Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Senator Pacquaio narekrut, kumampi, nagtiwala, umasa… An’yare Manny?

MUKHANG ‘napaglaruan’ ng mga kasama niya sa partidong PDP Laban si Senator Manny Pacquaio.
 
Kumbaga, hindi nakita ni Sen. Manny ang nakaambang ‘jab’ ng mga kasama sa PDP Laban nang magpatawag ng council meeting sa Cebu pero hindi siya isinama.
 
Arayku!
 
Sabi nga, si Senator Manny Pacquaio ay narekrut,
kumampi, nagtiwala, at umasa…
 
Pero pinaasa lang pala dahil sa huli’y hindi siya kasama sa pipiliing presidentiable o kahit vice presidentiable ng PDP Laban.
 
Kaya pala nagkumahog na magdaos ng council meeting para isulong si Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 sa vice presidential bid.
 
Sa resolusyon ay binigyan ng kapangyarihan si Pangulong Duterte na pumili ng kanyang running mate o ang magiging standard bearer ng PDP-Laban sa 2022 presidential derby.
 
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ipinauubaya ni Pangulong Duterte sa Diyos ang pagpapasya kung tutuloy siya sa vice presidential bid sa 2022 national elections.
 
Pero sa isang hiwalay na pahayag ni PDP-Laban executive director Ronwald Munsayac, ang mga dumalo sa Cebu meeting ay lumabag sa mga patakaran ng partido.
 
“Since the PDP Laban chairman (Pacquiao) is not incapacitated, suspended, resigned or expelled from the party, the vice chairman cannot usurp the functions of the chairman found in Article XVI, Section 4 of the PDP Laban constitution. The vice chairman cannot call for a meeting of the national council, since only the real chairman can,” ani Munsayac.
 
Ibig sabihin ba’y totoo ang sinabi ni Roque na inatasan ni Pangulong Duterte, bilang chairman ng PDP- Laban, si Energy Secretary Alfonso Cusi, vice chairman ng partido, na iorganisa at pangunahan ang pagdaraos ng council meeting?
 
Hindi siguro alam ni Senator Manny, na si Al Cusi ay hindi lang simpleng political animal, siya ay isang political operator.
 
Tsk tsk tsk…
 
Kapag poder talaga ang pinag-uusapan, ‘bastusan’ lang ang labanan.
 
Noong kailangan ng ‘deodorant’ bidang-bida si Manny, pero ngayon parang isa na siyang basahan sa paningin ng mga kinilala niyang kasama at kaibigan sa politika.
 
Mukhang hindi tumalab ang mga “Bible verses” ni Senator Manny sa mga kasama niya sa PDP Laban.
 
Ang sabi nga, champion man sa boxing si Pacman sa walong dibisyon, pero pagdating sa politika, amateur pa rin siyang maituturing.
 
Sabi ng mga sector na mahilig magbasa ng kalagayang pampolitika sa bansa — “Better luck next time Manny!”
 
 
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
 
 
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *