MALAPIT nang ideklara bilang opisyal na Cultural Heritage Zone ang Malabon city kasunod ng pagpasa ng isang panukalang batas na inihain ng nag-iisang kinatawan nito sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Inihayag ni Rep. Jaye Lacson-Noel ang balita sa isinagawang turnover ceremony na pinangunahan nina Mayor Antolin ‘Lenlen’ Oreta III, National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Vicente Danao, Jr., at Northern Police District director BGen. Jose Hidalgo, Jr., ang pagtanggap kay P/Col. Albert Barot bilang bagong hepe ng pulisya ng lungsod na pinalitan si Col. Joel Villanueva.
Sinabi ng mambabatas ng Malabon sa mga miyembro ng Camanava Press Corps, ang kanyang House Bill 08831 o An Act Establishing a Heritage Zone within the City of Malabon, Metropolitan Manila ay nagkakaisa na naipasa ng kanyang mga kasamahan sa third reading at agad itong ipinadala sa Senado para sa pag-aproba.
“I am so gratified by the support of my colleagues including those who co-sponsored and the entire House members for the passage of this bill that would soon declare the city of Malabon as a Cultural Heritage Zone,” aniya.
“Once the Upper Chamber approves a counterpart bill, the same will be submitted before the Office of the President for the final approval or signature of President Rodrigo Duterte before the city is officially declared a cultural heritage zone,” paliwanag ni Lacson-Noel.
Aniya, ang isang heritage zone, ay tumutukoy sa historical, anthropological, archaeological, at artistic geographical areas at mga setting na may katuturan sa kultura ng bansa.
Sinabi ni Cong. Lacson-Noel, bukod sa historical structures, ang Malabon ay kilala rin bilang City of Taste na may sikat na Pansit Malabon, iba’t ibang kakanin o malagkit at iba pang masasarap na pagkain.
Tubong-Malabon at hanggang ngayon ay naninirahan sa Malabon si National Artist Angel Cacnio, ang ama ng dalawa pang brass sculptor na sina Michael at Ferdinand Cacnio. (ROMMEL SALES)
Check Also
Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya
SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …
TVJ handang makipag-collab kay Piolo
PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …
Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz
PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …
Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla
I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …
Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey
HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC Branch 306 kina dating …