Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Curfew hours ‘di nasusunod

ALAM natin na ang pagdedeklara ng curfew hour mula 10:00 pm hanggang 5:00 am ay nasa guidelines ng bawat local government units (LGUs), pero tila hindi na ito nasusunod.
 
Marami pa rin ang nagkalat sa lansangan sa ganoong oras, mayroong checkpoints na nakapuwesto sa piling lugar, pero mukhang walang umiikot na foot patrol ang pulisya na dapat ay pumapasok sa mga eskinita para tiyakin na walang lumalabag sa itinakdang curfew hour.
 
Sa Pasay at Baclaran, nakikita ang mga natutulog sa sea wall sa bahagi ng Roxas Blvd., mga ‘pulubi’ na natutulog sa bangketa.
 
May pinipili? Kasi walang ID na maipakikita o walang pantubos? Dapat handa ang bawat local government sa mga ganitong sitwasyon. Kaya nga ang tanong ng marami, bakit ang mga nagsasabing ‘pulubi’ sila ay exempted ba sa CoVid-19 virus?
 
 
SPUTNIK V VACCINE SA PARAÑAQUE CITY
 
Ubos na ang Sinovac para sa first dose at para sa second dose ang natitira, kaya Sputnik V ngayon ang vaccine na ipinamamahagi ng lokal na pamahalaan ng Parañaque City.
 
Puspusan ang pagkakaloob ng CoVid-19 vaccine sa naturang lungsod. Tiniyak ni Meyor Edwin Olivarez, lahat ay mabibigyan ng vaccine upang makapamuhay nang maayos ang kanyang constituents.
 
Ganoon din sa lungsod ng Pasay, walang tigil ang pag-iikot ni Mayor Emi Calixto-Rubiano, hindi alintanang minsan ay nahawaan siya ng CoVid-19 virus.
Sina Mayor Edwin at Mayor Emi, mga alkalde ng magkatabing lungsod ng Parañaque at Pasay ay nagkakaisa na maprotektahan ang kani-kanilang siyudad laban sa CoVid-19 virus.
 
Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …