HABANG maraming Filipino ang nag-aalala na baka hindi sila mabakunahan agad, nakapangagamba na mayroong local government units (LGUs) na nagiging kontrobersiyal dahil may isyung vaccine slots for sale o mas matindi, nagpalusot ng mga dayuhang Chinese para sumingit sa pila ng mga Pinoy na naghihintay ng bakuna.
Only in the Philippines lang talaga na lahat ng pangangailangan para labanan ang CoVid-19 upang tuluyan nang pahupain ang pandemya ay nagiging scam.
Remember PPEs (gown, facemask, faceshield), overpriced swab test, lab tests etc?
At ang nasasangkot pa sa scam kung hindi mismong opisyal ay kani-kanilang ayudante mismo.
Ilang araw nang pinag-uusapan sa social media, bukod pa sa personal na text messages na natatanggap natin, ang pagpapasingit ng Pasay LGU sa walong Chinese nationals para mabakunahan.
Take note, walong Chinese nationals at hindi lima o tatlo lang.
Ayon sa ilang impormasyon, diyan daw po sa likod ng Pasay city hall sa Pasay City West High School naganap ang dalawang insidente ng pagpapasingit sa mga Chinese national.
‘Yung unang batch daw po ay 5 Chinese nationals at ‘yung pangalawang batch ay 3 Chinese nationals as in G.I. or Genuine Intsik.
Noong May 19 daw po nangyari, bandang 12:00 to 1:00 pm.
Hindi ba’t hanggang sa kasalukuyan ay limitado pa rin ang supply ng bakuna sa bansa, at nasa 3 milyon pa lang ang nababakunahan? Napakalayo nito sa target na 70 milyon para maabot ang herd immunity at karamihan sa bakuna ay Sinovac na mula sa China.
Sa ibang bansa, lalo sa mga first world countries na nakagawa mismo ng mga bakuna, hindi nila problema kahit maraming dayuhan ang nabakunahan nila.
E kasi nga, marami silang supply ng bakuna. Dito sa Filipinas, umaasa lang tayo sa kaloob ng China (sana nga ay donasyon lang at hindi ilistang utang ng Filipinas kapag iba na ang presidente ng bansa) at ng COVAX Facility.
Anyway, wala naman tayong nakikitang masama sa ekstensiyon ng pagbabakuna sa mga dayuhan, pero mayroon ngang mga patakaran kaugnay ng mga prayoridad.
At doon, ‘tila’ may paglabag ang Pasay LGU. Kaya dapat siguro itong klarohin ng Inter-Agency Task Force (IATF) or ng National Task Force (NTF).
Kapag dayuhan ba, lalo na kung Genuine Intsik (GI) ay puwedeng labagin ang mga patakaran sa prayoridad ng pagbabakuna?!
Isa lang ‘yan sa mainit na pinag-uusapan sa social media.
‘Yung isa naman, gusto nating tanungin si Mayora Emi, totoo bang ang bakunang gawa ng Pfizer ay inilalaan lang ninyo para sa mga barangay officials lalo na doon sa mga kaalyado ninyo?
Ang Pfizer sa Pasay ay hindi para sa frontliners and priority sectors kundi para sa ‘frontliners’ nila na hahakot ng boto?!
Homaygad! Bakuna equals boto ba ‘yan?
Ganoon ba ‘yun, Madam Mayora Emi? E paano ‘yan pumutok sa media?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap