Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ai Ai de las Alas
Ai Ai de las Alas

Ai Ai takot sumailalim sa surrogacy method sa US

WALA sa plano ni Ai Ai de las Alas ang sumailalim sa surrogacy method ng pagbubuntis sa pagpunta niya sa Amerika next week.

“Wala. Hindi kasama sa plano ko ‘yon. Nakakatakot pa. May pandemic pa,” tugon ni Ai Ai sa aming tanong. Nagkaroon kamailan ng virtual presscon si Ai Ai kaugnay ng launching ng bago niyang single na Siomai (What) under Viva Records.

Pupunta sa Amerika si Ai Ai para mag-renew ng kanyang green card, bisitahin ang anak na si Nicollo at magpabakuna.

“Roon na ako mag­papabakuna. Kaya ‘yung slot namin dito, sa iba na lang namin ibibigay, sa mas nangangailan,”  rason ng Comedy Queen.

Tapos na rin kasi ang taping niya sa Kapuso series niyang Owe My Love na magtatapos na next week. Waiting na lang siya sa tawag ng GMA para sa Season 4 ng singing competition na The Clash na isa siya sa judges.

Isang novelty song ang Siomai (What) at handog ito ni Ai Ai sa mga nalulungkot ngayong pandemic. Very Pinoy ang lyrics ng kanta at swak sa kanya dahil favorite niyang kumain ng Asian dumpling na siomai.

“Baka magkaroon na ako ng hit song sa ‘Siomai’ dahil ‘yun lang ang wala pa sa akin! Gusto kong maging worldwide hit! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Ai Ai.

Puwed nang ma-down load ang Siomai sa lahat ng streming platforms at sa YouTube channel ng Viva Records na mapapanoo din ang music video ng Siomai!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …