Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TODA sa SAV1 sa Parañaque puro holdaper sa pasahe

INIREREKLAMO ng mga commuters sa San Antonio Valley 1 ang sobrang taas ng pasahe sa mga pasahero. Sinabing ‘OA’ ang pagsunod sa health protocols ng mga tricycle driver na pawang miyembro ng SAV1 TODA.

Puwede namang sumakay ang dalawang pasahero na magkatalikod dahil may pagitang plastic sa bahaging likuran nito, gaya ng mga pampasaherong jeepney na may harang na plastic ang magkakatabi sa upuan.

Kapag araw ng Lunes, may mga pasok ang mga empleyado ng Parañaque City Hall at dahil nga laging isa lamang ang puwedeng sumakay na pasahero, ang pasahe ay P32 na mabigat sa bulsa ng mga empleyado. Aabot sa P64 ‘pag papasok sa City Hall at pauwi.

Ayon sa sumbong sa inyong lingkod, kahit dalawa kayong pasahero at magkasama naman sa iisang bahay, kailangan pa rin magkaiba ng sasakyang tricycle.

Kung ang mga UV express ay walang kinikita sa mga rutang Sucat-Baclaran, kabaligtaran ang SAV1 TODA na tumatabo sa kita dahil mahaba ang pumipilang pasahero na isa lang ang puwedeng sumakay gayong anim na pasahero ang dating sakay nito noong hindi pa panahon ng pandemic dahil sa CoVid-19.

Kaugnay ng problemang ito ng mga empleyado ng City Hall, napipilitan na lamang silang maglakad sa sobrang init ng araw dahil sa mahal ng pasahe na posibleng madale ng heat stroke sa sobrang init ng panahon.

Umaapela ang mga pasahero ng SAV1 TODA na aksiyonan ito ni San Antonio Valley 1 Brgy. Captain Leopoldo Casale at kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na ipatawag ang pangulo ng SAV 1 TODA na masyadong pinahihirapan ang mga empleyado ng City Hall at mga residenteng pumapasok sa kanilang trabaho.

Ang tanong: aksiyonan kaya ito ni Meyor? Ako, sure na aaksiyonan ni Meyor Olivarez ang problemang ito.

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …