Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Casino bukas, simbahan restricted, anyare IATF?

NAGTATAKA tayo sa desisyon ng Inter-Agency Task Force, mula noong ibaba ang enhanced community quarantine (ECQ) hanggang ngayong nasa general community quarantine (GCQ) ang NCR plus, na panatilihin ang restriksiyon na 10% of seating capacity ang mga simbahan.

Bukod sa restriksiyon sa seating capacity, sinabi rin ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga restriksiyon gaya ng:

Bawal ang pagtitipon o kahit anong religious activities sa labas ng simbahan;

Bawal ang audio-video screens or public address systems sa labas ng simbahan; at

Bawal ang live singing, recorded singing lang ang puwede;

At para matiyak na natutupad ang mga pagbabawal na ito, ang mga simbahan o sambahan ay imo-monitor ng mga barangay tanod at pulisya.

Sa katunayan, ilang deboto na nagpupunta sa Quiapo Church, ay nagrereklamo sa tratong ginagawa ng mga pulis na nakabantay doon.

Imbes lapitan o kausapin nang mahinahon ang mga debotong nagdarasal sa labas ng simbahan, aba ‘e itinataboy sila ng naka-megaphone na pulis.

Naka-megaphone na nga halos pabulyaw pa ang pagtataboy sa kanila. Akala yata mga illegal vendor sila.

Tsk tsk tsk…

Wala bang maitalagang pulis na marunong makipag-usap ang Manila Police District – Sta. Cruz Station diyan sa area ng Quiapo Church?

At hanggang ngayong GCQ, ay ganyan pa rin ang patakaran sa mga simbahan.

Bakit?!

And take note lang po, ang ipinatutupad na restriksiyon sa simbahan ay hindi kasing higpit sa mga casino.

Kung 10% seating capacity sa simbahan, sa casino ay 30% seating capacity ang pinapayagan.

At kahit sa panahon ng ECQ, mayroong mga casino na hindi tumitigil sa kanilang operasyon.

Hindi ba Madam Chair Andrea “Didi” Domingo?!

Hindi natin sinasabi sa mga deboto na labagin ang itinatakdang protocol ng IATF. Ang gusto nating sabihin dito, kung kayang payagan ang 30% seating capacity sa casino, bakit hindi sa simbahan?!

Anong lohika ba mayroon ito?

Kung ang tingin ng IATF ay super spreader ng virus ang mga religious gatherings, hindi ba’t mas higit ang mga aktibidad sa casino na palipat-lipat ng slot machine ang mga player, ganoon din sa mga card games?

Hindi ba’t mas mataas ang panganib na magkahawaan ng virus sa casino?

Ang sabi sa Biblia: “Ibigay sa ceasar ang ganang sa ceasar, at ang sa Diyos para sa Diyos.”

Hindi sinabing, lakihan ang ganansiya ng casino para may mailagay sa Presidential  social fund, at pigilin ang mga deboto para mawalan ng pondo ang simbahan.

Wala namang ganoon, ‘di po ba, NTF chief implementer and vaccine czar Carlito Galvez, Jr.?

Sa panahon ngayon ng pandemya na restricted ang galaw ng publiko, tatlo lang po ang nakikita nating hinahangad ng mga tao.

Una, ‘yung mga salat na salat at umaasa lang sa kita nila bawat araw — sana makapagtrabaho na para maging regular na ang kita nila.

Ikalawa, ‘yung mga taong mataas ang pagpapahalaga sa kanilang espiritwal na pangangailangan, ang hiling lang nila, sana makapasok na sila sa simbahan.

Ikatlo, ‘yung mga taong ang dibersiyon ay casino, kahit 30%  seating capacity ang pinayagan sa kanila mas gusto nilang maging 100% na.

Alam nating sa iba’t ibang paraan ay may ambag sa lipunan ang tatlong aktibidad na ‘yan.

Ang importante  lang, maging maayos sana ang pagtitimpla ng mga protocols ng  IATF.

Paging IATF, baka puwedeng pakinggan naman ninyo ang mga simbahan at ang parishioners.

MAS MABILIS NA
PAGBABAKUNA
HINDI VACCINE PASS

MAYROON na namang humihirit ng vaccine pass.

Namimili raw kasi ng bakuna ang mga Pinoy. Ayaw ng bakunang mula sa China kaya may nagpalutang ng ideyang dapat maging rekesitos ang vaccine pass.

Red tape at korupsiyon na naman ang tutunguhin niyan!

Bakit ba hindi pag-isipan kung paano mahihikayat ang tao na bakunang mula sa China man ‘yan o sa Estados Unidos o sa Russia, ay puwede naman.

        ‘Yan ang unang dapat gawin, hindi ‘yung iba-blackmail na naman ang publiko, para sumunod lang sa protocol.

E sa totoo lang wala pa nga sa 10% ng target population na dapat mabakunahan ang natuturukan ngayon, tapos biglang magre-require ng vaccine pass?

E kung vaccine pass lang, kayang-kayang gawin sa Recto ‘yan.

Kaya ‘wag na ‘wag ninyong gagamitin sa mga Pinoy ‘yang vaccine-vaccine pass na ‘yan.

Ay sus!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *