Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Vaccination vs Covid-19 dapat mas marami at mas mabilis

COVID-19 is real.

Mukhang ngayon lang nag-sink-in sa isip at puso ng ating mga kababayan na totoo pala ang CoVid-19.

Akala ng iba noong una, ‘yung mga jetsetter lang ang puwedeng mahawa ng CoVid-19 at ang kanilang mga dinaratnang pamilya o kamag-anak sa Filipinas o sa mga bansang pinupuntahan nila ang puwedeng mahawa.

Kasi ang paniniwala noong una, airlines ang carrier ng CoVid-19. Kumbaga, imported at hindi lokal ang virus.

E biglang nagkaroon ng local variant/s. Tinamaan na maging ang mga walang travel history. Hindi na lang nababasa sa diyaryo at napapanood sa telebisyon ang bilang ng mga nahahawa at namamatay.

Hindi na lang mga doktor o iba pang medical frontliners ang nabibiktima ng CoVid-19. At marami na rin ang naniniwala na airborne na ang virus.

Hanggang ngayon, hindi pa makapa kung bakit sumulpot ang virus na ito. Saan galing? At ano ang tunay na makapupuksa.

Pero sabi nga ng isang doktor: “Let us manage our fear and just make sure that we protect ourselves from getting the virus. If humans won’t allow themselves to host this virus, they will just die in the environment.

“So we have to be more intelligent than this virus and be ahead of them APAT DAPAT plus the vaccine for added protection. After CoVid… another one may come if we do not manage well our environment and our health.”

Ibig sabihin, mas safe pa rin ang magpabakuna kaysa sabihin na wala pang pirmis na resulta ang clinical trials hinggil sa mga bakuna.

At mukhang marami naman ang naniniwala na dapat nga ay ganoon.

Pero, mayroong isang malaking pero… ilan pa ang darating na bakuna para sa ating mga Filipino?! May darating pa kaya?

At gaano kabilis na mababakunahan ang priority sectors? At ang mga susunod sa kanila?

Alam nating matagal pa bago ma-achieve ang ‘herd community.’ Pangarap pa lang lahat ‘yan.

Pero sana naman, maging mabilis ang mga awtoridad sa pagbabakuna lalo ngayong nagiging mabilis at malawak ang hawaan ng CoVid-19.

At sana lang, ‘yung mga utak-delihensiya huwag gamitin ang bakuna at iba pang mga proseso kaugnay ng paglaban sa CoVid-19.

At sana rin, ang mga mabubuking na ginagawang hanapbuhay ang kasalukuyang pandemya ay mabilis na  patawan ng kaparusahan, alinsunod sa umiiral na batas.

Uulitin lang po natin, pabilisin ang bakuna.               

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *