Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

16 Milyon Pinoy estupido?

PARA kay Pangulong Rodrigo Duterte, ‘estupido’ ang mga Filipino na naniniwala sa kanyang ‘campaign joke.’
 
Ito ‘yung binanggit niya sa Presidential debate noong 2016 na sasakay siya sa jet ski para itindig ang bandera ng Filipinas sa Spratly Islands.
 
Ilang milyong Diehard Duterte Supporters (DDS) kaya ang nasaktan sa ginawang pag-amin ng Pangulo na ‘pinaglatuan’ lang niya ang mga Pinoy na bumilib sa kanyang kampanya?
 
Kumbaga, nakuha niya noon ang ‘kiliti’ hindi lang ng masa kundi ng milyon-milyong Filipino na naniwalang siya ang magtatanggol sa buong bansa laban sa mga puwersang mapanakop gaya ng China.
 
Wala nang pinamakasakit sa isang pinangakuan kundi ang matuklasang sila’y binola lamang at pinaglaruan.
 
Ngayon siguro mapagtatanto ng sambayanan kung bakit hindi nakitaan ng tunay, seryoso, at siyentipikong pagtugon sa panahon ng pandemya ang administrasyong Duterte.
 
Kapansin-pansin na mula nang magkaroon ng pandemya walang ginawa ang administrasyon kundi ang maghanay ng mga gagastusin, mangutang, at mangalap ng pondo para gamitin umano sa paglaban sa CoVid-19.
 
At sa kabila ng malaking pondong ipinamamarali ay hindi nakapagsagawa ng batayang hakbang gaya ng ‘mass testing’ para sa maagang deteksiyon ng CoVid-19 sa katawan ng isang tao.
 
At hanggang sa kasalukuyan, napakamahal ng RT-PCR test.
 
Ipinangangalandakan ang ayuda o suporta sa mga mamamayan sa panahon ng lockdown pero sa totoo lang hindi maramdaman ng mas maraming mamamayan.
 
Hindi na nakapagtataka kung bakit. Mula sa simula, walang seryosong layunin ang administrasyon para maglingkod sa mamamayan — dahil mula sa kampanya pa lamang ay hindi seryoso ang pinagkatiwalaan ng 16 milyong Filipino ng kanilang sagradong boto.
 
Lahat ng mga sinabi ng punong ehekutibo ay maituturing na ngayong isang ‘joke’ at naglalayon lamang na kunin ang loob ng mamamayan.
 
Kumbaga, ‘nabudol’ ang 16 milyong Filipino.
But sorry to say, hindi po kami nahagip ng ‘joke only’ ni Digong.
‘Yun lang hindi kami nakaiwas sa epekto ng pandemyang hindi natugunan nang wasto ng administrasyong ito.
 
Nakaiinggit ang mga bansang walang takot na nararamdaman ang mga mamamayan gaya ng Australia, Brunei, at Vietnam dahil sa simula pa lamang ay nagdeklara ang kanilang pamahalaan ng ‘lockdown’ sa buong bansa.
 
Hindi lockdown sa mahihirap na komunidad kundi isinara talaga ang kanilang pintuan sa mga papasok at lalabas ng kanilang bansa.
 
Hindi gaya sa Filipinas na ‘natakot’ sa China, kaya labas pasok sa bansa ang mga POGO workers na ilan sa mga pinaniniwalaang nagpasok ng CoVid-19 sa bansa.
Ngayon, magtataka pa ba tayo kung bakit hindi seryoso ang administrasyong ito sa pagsugpo ng CoVid-19 na hinayaang mamatay ang marami nating medical frontliners?!
 
‘Yan ay dahil sa mga diskarteng ‘joke only.’
At ‘yun ang pinakamasakit sa lahat — nabudol ang 16 milyong Pinoy at nadamay ang 94,000,000 Filipino.
 
Tsk tsk tsk…
 
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
 
 
BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *