Saturday , November 16 2024

2 patay, 1 kritikal sa pila ng mga benepisaryong sinoro ng dump truck (Ayuda naging abuloy)

IMBES ayuda, tila sa abuloy mapupunta ang ilang libong piso na pinilahan ng mga benepisaryong sinoro ng dump truck nang atakehin sa puso ang driver at mawalan ng kontrol sa manibela, sa City of San Jose del Monte, Bulacan kahapon ng umaga.
 
Sa impormasyong nakalap mula sa San Jose del Monte City Police Station, naganap ang insidente dakong 7:40 am kahapon, habang nakapila ang mga benepisaryo para sa kanilang ayuda.
 
Dalawa ang namatay, isa ang kritikal, habang pito ang sugatan sa insidenteng naganap mismo sa bisinidad ng city hall ng lungsod.
 
Pinaniniwalaang patay na nang makuha sa dump truck ang driver na kinilalang si Herminio Gerona, 57 anyos, habang ilang oras na paghihirap ang dinanas ni Analyn Tomooc, nasa hustong gulang, bago tuluyang binawian ng buhay sa ospital.
 
Nabatid na si Tomooc ay nagulungan ng truck sa dibdib kaya nabali ng kanyang tadyang na tumusok sa kanyang baga.
 
Bukod sa mga namatay, pitong benepisaryong sugatan ang pumayag na dalhin sa ospital habang ang iba pa ay tumanggi sa takot na mahawa ng CoVid-19.
 
Anila, “Hindi na po kami pupunta sa ospital, maliit na pinsala lang naman ito, mas nakatatakot na mahawa ng CoVid-19 doon.”
Sa inisyal na ulat mula sa Public Order and Safety Office (POSO) ng lungsod, kinilala ang apat pang biktimang isinugod sa ospital na sina Rolito Navarro, Mario dela Rosa, Cecilia de Ramo, at Mary Rose Espacio, kasalukuyang nasa kritikal na kondisyon.
 
Ayon sa tauhan ng POSO, idineklarang patay nang idating sa ospital ang driver bagaman wala nang pulso nang makuha mula sa sasakyan.
 
Kaugnay nito, pinuna ng ilang residente ang local government unit (LGU) ng lungsod ng San Jose del Monte dahil hinayaang ma-expose ang mga benepisaryo sa panganib na mahawa sa CoVid-19, at malantad sa mga insidente o sakunang gaya ng naganap.
 
Anila, maraming facilities na puwedeng gamitin upang maging ligtas sa panganib at hindi nalalantad sa CoVid-19 ang mga benepisaryo.
 
“Maluwag ang loob ng city hall at mayroon pang ilang covered court na puwedeng pagtipunan ng mga mga benepisaryo ng ayuda pero sa kalsada nila pinapipila, bukod sa mainit ay hindi nga ligtas sa mga sakuna. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *