Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Side effects ng CoVid-19 vaccine posible

PINAGHAHANDAAN ng administrasyong Duterte ang pagpopondo sa mga nabakunahan na  dumanas ng matinding side effects matapos maturukan ng bakuna na humantong sa kamatayan o malubhang kalagayan.

Hindi rin segurado na ligtas ang CoVid-19 vaccines partikular sa mga taong hindi nila alam na mayroong karamdaman, lalo na roon sa hindi sumasailalim sa mga medical examination and laboratory tests bago mabakunahan.

Maging ang mga taong alam nila na mayroon silang karamdaman hindi rin pala ligtas. Marami pa rin ang hindi kombinsido sa pagbabakuna partikular sa senior citizens na ang tingin sa vaccine ay buwis-buhay.

Sa lungsod ng Pasay, pinulong ni Mayor Emi Calixto-Rubiano ang 20 zone chairpersons. Kanyang hinimok ang mga barangay chairmen na pursigihin ang mga senior citizens na magpabakuna.

Sa report ng mga Kapitan, dahil sa samot-saring isyu na lumalabas sa mga balita, umiiral ang takot sa dibdib ng mga SC at ang mga pilosopong sagot na: “Gusto ko pang mabuhay at makapiling nang matagal ang aking mga apo.”

Mahigit dala­wang milyong katao na ang nababa­1kunahan ayon sa National CoVid-19 Task Force, pero walang iniulat na bilang ng mga namatay o nakaranas ng matinding side effects.

Nanga­ngahulugan at malinaw na mayroong puwedeng dumanas ng side effects sa CoVid-19 vaccines kaya naglalaan ng pondo para rito. Para nga namang sumailalim sa lethal injection ang mga namatay dahil sa bakuna.

Isa lang ang ibig sabihin, bakit pinopondohan ang masamang bunga ng pagpapaturok ng bakuna? Para makatulong sa pamilya? O sadyang mayroon talagang minaalas pagkatapos magpabakuna?

Kaya mahirap kombinsihin ang senior citizens para magpabakuna. Hindi natin sila masisisi. Lagi ang sagot, hindi pa tiyak kung ang sanhi ng kamatayan ay dahil sa bakuna.

Heto na ang sagot, bakit maglalagay ng pondo?

Nakatatawa, itinatanggi na dahil sa CoVid-19 vaccine kaya namatay, pero maglalaan ng pondo.

Kakatwa talaga! Aminin na kasi na totoong may side effects.

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …