Saturday , November 16 2024
arrest prison

Sa arrest order ni Duterte vs protocol violators, piitan magiging punuan

INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, posibleng mapuno agad ang mga piitan sa paiigtinging pag-aresto sa mga lalabag sa ipinatutupad na health protocols ng pamahalaan.
 
Ito ay kaugnay sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Miyerkoles sa mga tauhan ng Phillipine National Police (PNP) na ikulong at imbestigahan ang mga taong hindi nagsusuot o hindi maayos ang pagkakasuot ng facemasks sa mga pampublikong lugar.
 
Ayon kay Malaya, sa kautusan ng Pangulo ay kakailanganin rin nilang iprepara ang mga piitan dahil posible aniyang mas maraming tao ang makulong ngayon kompara sa dati.
 
Aniya, sa tulong ng local government units (LGUs) at PNP, bubuo sila ng mga guidelines upang matiyak na magiging ligtas at episyente ang implementasyon ng direktiba ng Pangulo at hindi magagamit sa pang-aabuso.
 
Pagtutugmain umano ng DILG ang mga ordinansang ipinasa ng LGUs at sa direktiba ni Duterte ay aalamin nila sa PNP ang parameters at kung paano ito maitutugma sa mga ordinansang dati nang ipinaiiral ng mga LGUs.
 
Sinabi ni Malaya, sa ngayon ay iba-iba ang mga parusa na ipinaiiral ng bawat lokal na pamahalaan laban sa mga lumalabag sa mga ordinansa hinggil sa hindi pagsusuot ng facemask sa public places.
 
Inaaresto aniya ang mga ordinance violators na kapag pumalag at sumuway sa mga pulis ay aarestohin.
 
Gayonman, dahil aniya sa kautusan ng Pangulo ay maaaring kailangan nilang magsagawa ng recalibration at mga kaukulang paghahanda. (ALMAR DANGUILAN)

 

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *