Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
knife saksak

Misis binugbog, sinaksak ng selosong Mister

MALUBHANG nasugatan ang 40-anyos ginang makaraang gawing ‘punching bag’ at pinagsasaksak sa braso ng selosong mister sa Riverside Market sa Quezon City, nitong Biyernes ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Marissa Laguardia, 40, kasambahay at misis ng suspek na si Pedro Laguardia, 40, vendor, kapwa naninirahan sa Riverside, Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa ulat nina P/SMSgt. Mary Jane Balbuena at P/Cpl. Michelle Ram Dela Paz, ng Batasan Police Station 6, Women and Children Protection Desk, dakong 9:30 pm nitoong 1 Mayo, nang maganap ang insidente sa Riverside Market, Brgy. Commonwealth, QC.

Batay sa imbestigasyon, galing sa trabaho, pauwi ang biktima sa kanilang tahanan nang sumulpot sa kaniyang likuran ang mister na armado ng patalim.

Nagulat na lamang umano ang misis nang bigla siyang suntukin sa mukha at sa tiyan ng mister. Hindi pa nakontento ang suspek, inundayan ng saksak sa kaliwang braso ang biktima.

Agad namang naawat ang nagwawalang suspek ng mga istambay sa palengke.

Kinabukasan, 2 Mayo, nagtungo ang biktima sa Batasan Police Station at inireklamo ang mister kaya agad dinakip nina P/Cpl. Bryan Dave Garcia at P/Cpl. Mark Christopher Adrigado.

Nakapiit ang supek at inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9262 (Physical Abuse).

(ALMAR DANGUILAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …