Kinalap mula sa Union of Catholic Asian News ni Tracy Cabrera
BAGUIO CITY, BENGUET — Sadyang galit ang isang Obispo para kondenahin ang plano ng mga awtoridad sa Benguet na isalegal ang online gambling, partikular ang paglalaro ng electronic at tradisyonal na bingo at gayondin ang iba pang mga e-game na popular sa mga netizen at gumagamit ng social media.
Talagang kontra si Baguio Bishop Victor Bendico sa nais ng ilang mga mambabatas sa lalawigan na upang maibsan ang impact ng CoVid-19 pandemic ay isinusulong ang pagtaas ng buwis sa pamamagitan ng bingo at iba pang popular na ‘laro’ dahil “magsisilbi ito ng pagpapalago ng isa pang uri ng kasamaan.”
Ayon sa obispo, hinihiling ng mga lokal na opisyal na isulong ang isang batas na papayagan ang electronic at tradisyonal na bingo at iba pang e-games sa rehiyon at maaari itong maging dahilan para lalo pang dumami ang bisyo na itinuturing ng ilan bilang pampalipas ng panaho o dibersiyon.
“Gambling is actually legal in the Philippines and it is being regulated by an administrative body,” tinukoy ni Bendico.
“However, some forms of gambling, such as the playing of electronic bingo and certain other e-games, do not fall under the general law and need to be legalized by local governments,” dagdag nito.
Ayon sa Obispo, ang lahat ng uri ng sugal ay parang droga na naglululong sa isang tao na gumawa ng masama sa pamamagitan ng paglulustay ng kanyang salapi na dapat sana’y nakalaan sa kanyang pamilya.
“The moment you start, the more money you need for the habit,” kanyang idiniin.
“Gambling is just like drugs. You need more and more drugs the moment you begin taking them. The same with gambling. The moment you start, the more money you need for the habit,” sabi nito sa kanyang pastoral letter para sa mga lokal na opisyal ng Benguet at gayon din para sa mga mananampalataya.
Aniya, nahaharap pa ang Filipinas sa malaking hamong dala ng pandemyang coronavirus kaya walang puwang para isulong ng ilang mga opisyal ng pamahalaan ang pagpapalago ng isa pang uri ng kasamaan.”
Banaag ang galit sa kanyang mukha, sinabi ng obispo ng Baguio na lalabanan nila ang anomang uri ng sugal sa kanilang lalawigan.
“While people are anxious and downcast due to the crisis brought about by CoVid-19, we are being faced with more degrading and troublesome news about of our councilors [wanting] to have bingo stalls in our locality,” pagtatapos nito.
Check Also
Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila
PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …
Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog
NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …
ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future
DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …
Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital
HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …
Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec
IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …