Kinalap ni Mary Ann G. Mangalindan
TUWING tag-init, hindi maiiwasan ang iba’t ibang klase ng skin diseases gaya ng pigsa. Ang boils o pigsa ay impeksiyon sa balat na nagsisimula sa hair follicle o oil gland. Kadalasan sa parte ng mukha, leeg, kilikili, balikat at puwit tumutubo ang pigsa.
Kung minsan ito ay tumutubo rin sa eyelids na tinatawag na sty o Kuliti. May mga pigsa rin na tumutubo nang kumpol-kumpol, ito ay tinatawag na carbuncle.
Narito ang sanhi, senyales, home remedy, at kung paano ito maiiwasan lalo ngayong summer season.
Sanhi ng pigsa
Ang pigsa ay mula sa germ o staphylococcal bacteria. Ang germ ay pumapasok sa katawan sa pamamagitan ng maliit na sugat o hiwa sa balat. Maaari rin itong pumasok sa paligid ng hibla ng buhok patungo sa follicle. Ang mga taong may diabetes, mahinang immune system, mababang nutrition, poor hygiene, at madalas na exposure sa strong chemicals ay nagiging dahilan para mairita ang balat.
Mga senyales ng pigsa
Ang pigsa ay nagsisimula sa matigas, mapula, namamaga, at masakit na bukol. Ito ay kadalasang kalahating pulgada ang laki. Pagkalipas ng ilang araw ang matigas na pigsa ay lumalambot, lumalaki, at mas masakit. Saka ito magkakaroon ng nana sa ibabaw. Narito ang mga senyales ng severe infection:
1. Ang balat sa paligid ng pigsa ay naimpeksiyon, ito ay namumula, masakit, mainit, at namamaga.
2. May mga bagong pigsa pa ang lumilitaw sa paligid ng unang pigsa.
3. Lagnat
4. At pamamaga ng kulani.
Kailan dapat komunsulta sa doktor?
1. Kapag nagkaroon ng lagnat
2. May mga kulani
3. Ang balat sa paligid ng pigsa ay namumula
4. Severe pain
5. Kapag ang pigsa ay hindi patuloy sa paglaki
6. Nadagdagan pa ng panibagong pigsa
7. Kung mayroong heart problem, diabetes, mahina ang immune system, o umiinom ng gamot para sa immune system tulad ng orticosteroids o mayroong chemotheraphy at nagkaroon ng pigsa.
8. Kapag nagkaroon ng mas mataas na lagnat at nanginginig. Ito ay may kasamang impeksiyon.
Kapag malala na ang impeksiyon may ilang blood test na ginagawa ang doctor. Nagrereseta rin sila ng antibiotics para sa severe infection.
Home remedies para sa pigsa
1. Gumamit ng warm compress gamit ang malinis na tela, ilubog ang tela sa maligamgan na tubig at saka idampi sa pigsa. Ito ay nakatutulong na mabawasan ang sakit at maitulak ang nana palabas ng pigsa. Gawin ito hanggang lumabas ang mata ng pigsa.
2. Kapag ang pisga ay tuyo na, linisin ito gamit ang antibacterial soap hanggang mawala lahat ng nana at linisin gamit ang rubbing alcohol. Pagkatapos, pahiran ito ng ointment (topical antibiotic) at balutin ng bandage. Kada araw 2-3 beses hugasan ang infected area at gawin ang warm compress hanggang gumaling ang sugat.
3. ‘Wag puputukin ang pigsa gamit ang karayom upang hindi ito maimpeksyon.
Paano maiiwasan ang pigsa?
1. Labhang mabuti ang mga damit, towel, at linisin ang higaan ng bawat family member na infected ng pigsa.
2. Linisin at gamutin ang mga minor skin wounds
3. Panatilin ang kalinisan sa sarili
4. Siguraduhing healthy ang katawan para malayo sa mga sakit
Check Also
Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado
MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …
BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home
BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …
BingoPlus empowers brand partners before the year ends
BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …
ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future
DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …
Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching
Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …