Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
File photo ng mga miyembro ng simbahan habang lumalagda bilang suporta sa panawagang itigil ang pagmimina sa katimugang Filipinas. (Larawan mula sa UCA News)

Duterte binatikos ng mga obispo sa pag-alis ng mining ban

KIDAPAWAN, COTABATO — Binatikos ng ilang mga obispo ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na alisin ang siyam-na-taong moratorium sa mga bagong mining deal para tukuying makasasama ang magiging epekto nito sa mahihirap na komunidad na muling aabusuhin ng mga kompanyang nagmimina sa kanilang lugar.

Nilagdaan ang nasabing moratorium noong 2012 ni dating Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III upang masuri ng mga awtoridad at ma-renegotiate ang mga kontrata sa mga nagmiminang kompanya sakaling nagkakaroon ng usapin ukol sa pagkasira ng kapaligiran at kalikasan.

Inilinaw noon ni Aquino na ang desisyon para sa moratorium ay makapagbibigay ng ‘breathing space’ sa kapaligiran at kalikasan para manumbalik ang mga pananim at hayop.

Ngunit inalis ni Pangulong Duterte noong 14 Abril sa pagnanais na mapaigting ang pagkolekta ng buwis ng pamahalaan, makalikha ng mga trabaho at mapasigla ang ekonomiyang bugbog-sarado ng pandemyang coronavirus.

Ipinawalang-bisa ng Executive Order No. 130 ni Duterte ang probisyon ng Executive Order No. 79 (Institutionalizing and Implementing Reforms in the Philippine Mining Sector, Providing Policies and Guidelines to Ensure Environmental Protection and Responsible Mining in the Utilization of Mineral Resources) na inilabas ng administrasyong Aquino noong 2012.

Ikinatuwiran ni Duterte na ang sistema ng pagbubuwis para sa pagmimina sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Act ay natugunan na ang mga kondisyon sa EO 79 at sinabing dinoble ng TRAIN Act ang pagbubuwis sa mga mineral at mga produkto nito bukod sa quarry resource mula sa dalawa sa apat na porsiyento.

Gayon man, inihayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, na siyang namumuno sa Caritas Philippines at Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), na ang desisyon ng dating alkalde ng  Davao City ay papabor lang sa interes ng mga nagnenegosyo at hindi ng taongbayan, partikular ang mahihirap na komunidad na naninirahan kalapit ng mga minahan.

“The government has once again chosen vested interests and profit over suffering people and the ecology,” tinukoy ni Bagaforo.

Sinabi rin ng obispo na lumilitaw, ang aksiyon ng pamahalaan ay ‘motivated’ ng sariling pagnanasa at hindi ang kapakanan ng nakakarami.

“The government must reconsider lifting the mining moratorium. We are in the countryside, and we are seeking no economic improvement in the lives of the people from mining,” kanyang idiniin.

                (Kinalap mula sa Union of Catholic Asian News ni Tracy Cabrera)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …