Wednesday , January 15 2025
File photo ng mga contact tracer na tumutunton sa mga close contact ng mga taong napostibo sa Covid-19. (Larawan mula sa Google)

Kalipikasyon para sa mga nais maging contact tracers binabaan

MANILA — Magandang balita ito para sa mga kababayan nating nagha­hanap ng trabaho.

Batay sa anunsiyo ng Department of Interior and Local Government (DILG), ibinaba na ang kalipikasyon para sa mga nagnanais na mag-apply bilang contract tracer.

Ito ay bilang hakbang ng pamahalaan na mapalawig at mapaigting ang insiyatibo ng sistema ng contact tracing sa bansa na mahalagang bahagi ng paglaban sa nagpapatuloy na pandemya sanhi ng CoVid-19.

Ayon sa DILG, tatangga­pin sa nasabing posisyon ang mga nakapagtapos lamang ng high school bukod sa naunang inilabas na kalipi­kasyon na kinakailangang nakatuntong ng kolehiyo ang aplikante para tanggapin bilang contact tracer.

Sinabi ng kagawaran bilang paglilinaw, isa sa malaking dahilan ang kakulangan sa contact tracers kung bakit mahirap at mabagal ang proseso nang pagtunton sa mga posibleng nakahalubilo ng mga nagpositibo sa CoVid-19.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 14,754 aktibong contact tracer sa National Capital Region at nais ng pamahalaan na madagdagan ang nasabing bilang upang mapaigting ang proseso ng contact tracing.

Kinakailangan umano ng DILG ang dagdag na mga tauhan sa contact tracing, partikular sa lungsod ng Quezon at Maynila na may pinaka­mataas na paglobo ng bilang ng mga bagong kaso ng mga impeksiyon at transmisyon, lalo ngayong nahaharap ang bansa sa mga bagong variant ng virus na mas nakahahawa at mas mabilis kumalat.

Samantala, hinihikayat ng DILG ang publiko na gamitin ang StaySafe app upang mapadali ang pagbibigay ng impormasyon na kina­kai­langan sa mabilis na contact tracing at tulong na rin para mapaganda ang proseso para matunton ang mga taong nakahalubilo ng mga nagpositibo sa CoVid-19.

Para sa iba pang impo­rmasyon at mga nais mag-apply maaaring magpunta sa bit.ly/PESO-CT-Apply upang magsumite ng aplikasyon.

(Tracy Cabrera)

About Tracy Cabrera

Check Also

Arrest Caloocan

2 holdaper timbog sa Caloocan

ARESTADO ang dalawang hinihinalang holdaper sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad sa 8th Ave., …

Cold Temperature

Baguio temp bumagsak sa 13.8 degrees Celsius

LALONG bumaba ang temperatura sa lungsod ng Baguio nang umabot ito nitong Lunes, 13 Enero, …

Iglesia ni Cristo INC PEACE RALLY Quirino Grandstand

Sa Quirino Grandstand sa Maynila
HIGIT 1.5-M MIYEMBRO NG INC NAGTIPON PARA SA ‘PEACE RALLY’

UMABOT sa higit 1.5 milyong kasapi at tagasuporta ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nagtipon …

011425 Hataw Frontpage

4-ANYOS NENE, AMA NATAGPUANG PATAY SA ISANG MAKATI CONDO  
Murder-suicide tinitingnang anggulo

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang 22-anyos lalaki at kaniyang 4-anyos anak na babae sa …

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *