Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Online sabong, online casino ‘essential’ ba? (Online gaming namamayagpag)

MAY ‘sinasanto’ sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).

Hindi totoong lahat ay apektado. Hindi lahat ay nagugutom, katunayan may paldong-paldong sa panahon ng ECQ.

Aba’y mayroon — namamayagpag at tila ‘santo santitong’ hindi masita ang online sabong at online casino.

Ang mga operator ng online sabong grabe ang lakas ng loob. Hindi natin alam kung saan nanggagaling ang kapal ng mukha.

Walang tao sa sabungan, pero mayroong bettors?!

Ganoon din ang online casino. Bawal at sarado ang mga casino sa ilalim ng ECQ, pero bakit namamayagpag ang online casino?!

Anong mayroon sa online sabong at online casino? Mukhang dinaig pa ang operation ng Philippine Charity and Sweepstakes Office (PCSO).

Bawal lumabas kapag hindi ‘essential’ ang lakad o kung hindi essential ang bibilhin.

Uulitin natin, bakit nakapamamayagpag ang online sabong at online casino?!

Sa ECQ ba ay essential ang online sabong at online casino?!

Paging National Task Force (NTF) chief!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …