Thursday , December 19 2024
PANGIL ni Tracy Cabrera

Tunay na Pananampalataya

Depression may bring people closer to the church but so do funerals. — Anonymous

PASAKALYE

Sa totoo lang, mahirap na nga iyong nakasuot ka ng facemask at face shield tapos ngayon ay rekomendasyon ba ng ating mahal na vaccine czar na mag-double facemask pa?

E iyong simpleng pagsunod sa mga health protocol ay hindi na nga nagagawa ng ating mga kababayan, paano pa kaya kung mas mahirap na payo ang ipagagawa?

Pero, teka, alam n’yo ba na ang karamihan ng mga lumalabag sa wastong pagsusuot ng facemask at face shield ay mga kababaihan?

Mabuhay si Maria Clara!

***

SA ating mga Kristiyano, nananampalataya sa Diyos na hindi man natin nakikita at nahahawakan ay nararamdaman natin ang presensiya sa ating pamumuhay. Ito ang tunay na pananampalataya dahil hindi natin Siya nakikita at nahahawakan ay naniniwala tayong nandiyan ang Panginoon upang tayo ay gabayan at biyayaan bilang mga anak ng Diyos.

Sa puntong dito natin masasabing dahil ang presensiya ng Panginoon ang mahalaga sa ating pananampalataya at buhay, hindi kahunghangan ang maniwalang kahit saan mang lugar tayo manalangin sa Kanya ay diringgin niya kung anuman ang ating hinaing o kahilingan dahil sabi nga sa Banal na Aklat ay ‘omnipresent’ o nasa lahat ng dako, ang ating Dakilang Ama.

Kaya nga nagtataka ang inyong lingkod kung bakit sa gitna ng pandemya ng coronavirus ay ipinipilit ng ilan ang pagpunta sa simbahan para manalangin sa Diyos.

At inaayunan naman ito ng mga pari at iba pang opisyal ng Simbahang Katoliko at hinihiling na payagan ang kanilang mga parokyano at mananampalataya para dumalaw sa kani-kanilang bahay-sambahan o kapilya at doo’y manalangin sa Ating Panginoon.

Ito nga kaya’y dahil sa pag-aalala o pag-aaruga ng kaparian sa kanilang pinapastol?

May nakapagsabi sa atin nang ibang dahilan (ng mga pari)…

Aniya, hindi kaya ang dahilan na hinihimok ng Simbahan ang pamahalaan na luwagan ang pagbabawal sa mga taong nais magsimba ay dahil na rin, kung hindi pisikal na pupunta ang mananampalataya sa simbahan ay hindi rin sila pisikal na makapagbibigay ng abuloy kaya mawawalan ng laman ang mga donation box ng iba’t ibang simbahan sa buong kapuluan?

Ito’y naitatanong lang naman namin — at may paraan din naman kaming naisip para hindi mawalan o matigil ang pagpasok ng mga abuloy at donasyon sa simbahan. Ang solusyon dito’y gawin nilang online ito gamit ang G-Cash o money transfer para magkaroon ng pondo ang iba’t ibang simbahan sa pagmamantina at pagpapatuloy ng sinasabing ‘charitable works’ ng ating mga pari.

Sabi na nga ba e — kapag gusto ay may paraan at kapag ayaw nama’y may dahilan….

Tama po ba?

***

PARA sa inyong komento o suhestiyon, reklamo o kahi­lingan, magpadala ng mensahe o impormasyon sa email na [email protected] o i-text sa cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

PANGIL
ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Sa 3.6-M SSS pensioners, May 13th month naaaaa!!!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IKAW! Oo, ikaw my dear friend, isa ka ba sa 3.6 …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *