Sunday , December 22 2024
DANIEL FERNANDO Bulacan

Service drop box system susubukan ng Bulacan (Physical o face-to-face contact para maiwasan)

SA LOOB ng apat na araw mula 23 Marso, susuriin ng pamahalaang panlala­wigan ng Bulacan kung epektibo ang pagpa­patupad ng service drop box system upang patuloy na makapaglingkod sa mga Bulakenyo nang hindi nagkakaroon ng physical o face-to-face na transak­siyon.

Ipinatupad ito sa pamamagitan ng memorandum at sang-ayon sa Executive Order No. 9 Series of 2021 na inisyu ni Gob. Daniel R. Fernando, nagpapatibay at nagpapatupad ng IATF Resolution No. 104 Series of 2021 kasunod ng pag-anunsiyo ng Malacañang na naglagay sa Bulacan sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) mula 22 Marso hanggang 4 Abril dahil sa muling pagtaas ng kaso ng CoVid-19 sa bansa.

Ayon kay Fernando, bagaman sarado ang mga pintuan sa gusali ng Kapitolyo, bukas pa rin ito upang maglingkod sa mga Bulakenyo na nangangai­langan sa pamamagitan ng mga tent, mesa, at upuan sa likod ng gusali.

Isinagawa ang nasabing aksiyon upang protektahan ang publiko at mga kawani mula sa nakamamatay na virus.

“Sa pamamagitan nito ay sisikapin nating maipagkaloob ang paglilingkod na hindi muna magkakaroon ng physical contact o face-to-face transaction ang kliyente at mga kawani ng tanggapang nagkakaloob ng serbisyo,” ani Fernando.

Ayon sa memo, maglalaan ang bawat tanggapan ng maayos na transparent drop box na may kaukulang pangalan kung saan ihuhulog ng mga mga kliyente ang mga dokumento para sa kanilang kahilingan na matatagpuan sa likod ng Kapitolyo.

Gayon din, maaaring gumamit ng modernong teknolohiya at/o social media platforms upang ipaabot ang kaukulang impormasyon hinggil sa mga serbisyong ipinagka­ka­loob ng Kapitolyo.

Matapos ang unang bahagi ng implemen­tasyon, rerebisahin ito para sa kinakailangang pag­babago sa susunod na linggo.

Bukod dito, binigyang diin ng gobernador ang mahigpit na pagpapa­tupad ng minimum public health standards.

“Mag-ingat po tayong lahat. ‘Wag po tayong magpakakampante dahil tumataas po ang kaso hindi po bumababa. Huwag natin ipagwalang bahala ang mga isina­kripisyo na natin noong nakaraang taon at patuloy po tayong magdasal,” anang gobernador.

Samantala, mahigpit na binabantayan at nililimitahan ang mga daan papasok at palabas ng NCR bubble kabilang ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal maliban lamang sa mahahalagang biyahe at emergency o pagbiyahe sa loob lang din ng mga lugar na kasama sa ‘bubble.’

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

CasinoPlus FEAT

Casino Plus Celebrates Unprecedented Wins in Color Game Big Win Jackpot, Welcomes 21 New Multi-Millionaires within first month of launching

Casino Plus recently achieved a major milestone, marked with a celebratory press conference held on …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *