Sunday , December 22 2024
Quezon City QC Joy Belmonte

Public safety hours ipatutupad sa QC

MAHIGPIT ang kautusan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ipatupad ang public safety hours sa lungsod.

Ang public safety hours, mula 10:00 pm hanggang 5:00 am, ay sisimulang ipatupad ngayong 15 Marso 2021 sa Metro Manila, alinsunod sa napag­kasunduan na unified curfew hours ng Metro Manila Council (MMC).

Kaugnay nito, mahigpit na ipatutupad sa lungsod mula 15-31 Marso 2021, ang alternative work schedule at liquor ban.

Mahigpit rin ang implementasyon sa pagsasara ng mga dine-in, sari-sari stores, market, talipapa, at vending sites mula 10pm-5am.

Sarado rin ang gyms, spa, at internet cafe, sa loob ng dalawang linggo.

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang mga negosyo na gamitin ang KyusiPass para sa maayos na contact tracing ng lungsod.

Matatandaang nag­kasundo ang metro mayors na pahabain muli ang curfew hours sa kani-kanilang nasasakupan upang mapigilan ang pagdami ng naitatalang kaso ng coronavirus disease 2019 (CoVid-19).

Ginawa itong unified o pare-pareho upang hindi magdulot ng kalitohan sa mga mamamayan na nakatira sa ibang lugar at nagtatrabaho sa ibang lugar. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *