Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Face Shield Face mask IATF

LGUs kapag dedma sa IATF reso, kakastigohin

NAGBABALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na kakastigohin ang mga pasaway na Local Government Units (LGUs) na hanggang ngayon ay hindi tuma­talima sa ipinatutupad na resolusyon ng Inter-Agency Task Force on CoVid-19.

Sinabi ni DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, maglalabas ang ahensiya ng isang memorandum circular na nagmamandato sa LGUs na sumunod sa uniform travel protocols na itinatakda ng IATF.

Binigyang diin ni Malaya na kapag nailabas ang memorandum circular at mayroon pa rin LGUs na hindi tumatalima ay iisyuhan sila ng ‘show cause order.’

Ito’y dahil may ilang LGUs ang hindi tuma­talima sa protocols na nakasaad sa Resolution 101 na inisyu ng task force.

“The DILG will release a memorandum circular implementing IATF Resolution 101… Once it is released and there are still non-compliant LGUs, and there may be some, then the DILG will be forced to issue a show cause order,” giit ni Malaya sa isang online briefing nitong Huwebes.

Hinikayat ni Malaya ang LGUs na tumalima upang hindi maharap sa kasong maaaring isampa ng DILG.

Sa ilalim ng resolusyon, ang mga biyahero ay hindi na kinakailangan pang sumailalim sa CoVid-19 testing maliban kung ire-require ng LGU.

Ang quarantine ay hindi na rin ipatutupad maliban kung makikitaan ng sintomas ng sakit ang pasyente sa pagdating sa kanyang destinasyon, habang ang travel authority at health certificates ay hindi na rin kailangan pa.

Napansin ang DILG official na hanggang ngayon ay mayroon pang ilang LGUs na hindi tumatalima sa naturang IATF resolution dahil naghihintay ng implementing rules and regulations (IRR). (ALMAR DANGUILAN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …