Thursday , December 19 2024

PH kakasa vs Facebook sa talamak na online sexual abuse

ni TRACY CABRERA

SA GITNA ng panganib sa online learning sa edukasyon na umaayon sa sinasabing ‘new normal’ tinukoy ng ilang mambabatas ang kahalagahan ng pagpapatupad ng mga social media firm ng mga pamamaraan para mabigyan ng sapat na proteksiyon ang netizens laban sa tinatawag na cyber crimes, tulad ng online exploitation ng mga kababaihan at menor de edad.

Alinsunod dito, ilang mga senador ang nagnanais na sampahan ng mga kasong kriminal ang social media giant na Facebook at iba pang mga social network platform dahil sa kabiguang pigilan o pahintuin ang pagkalat ng online sexual abuse laban sa mga babae at kabataan sa bansa.

Sa hearing ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality, pinaalalahanan ni Senador Francis Pancratius ‘Kiko’ Pangilinan ang kanyang mga kasamahan sa Senado, sa ilalim ng Republic Act No. 10364, o ang Expanded Anti-Trafficking in Persons Act, maaaring ihabla ang mga social media site sanhi ng kanilang kapa­bayaan sa paglaganap ng mga krimen tulad ng sexual exploitation na isinagawa ng online.

Tinatalakay ng Senate committee ang mga panukalang batas na naka­binbin para amyen­dahan ang mga umiiral ngayong batas ukol sa nasabing isyu para mapagtuunan ng pansin ang patuloy na mga kaso ng online human trafficking at child pornography.

Dito rin nagpahayag ng pagkadesmaya si Pangilinan matapos bigong dumalo sa hearing ang inimbitahang mga personalidad na may kinalaman sa usapin, kabilang ang mga kinata­wan sa bansa ng Facebook.

“Why isn’t Facebook here? Are they even interested to address the challenges of violations of our children’s rights? Are they above the law?” tanong ni Pangilinan.

“These abuses are happening in plain sight in these social media accounts. They’re making money out of these activities and the least they could have done was to send a representative to this hearing,” dagdag ng Senador.

Tinalakay din sa hearing ang panukalang may kinalaman sa electronic violence against women and children, online sexual abuse at exploitation of children at mga potentially exploitative websites bukod sa iba pang mga usaping ukol sa mga problemang dulot ng online use sa bansa.

Binigyang-pansin ng mga senador kung paanong ang Facebook at iba pang social media platform ang naging ‘crime scene’ sa online abuse at exploitation ng kabataan at ibang ilegal na aktibidad na napapa­laganap gamit ang mga ‘pekeng’ account.

Sumang-ayon si Senadora Pilar Juliana ‘Pia’ Cayetano sa mungkahi ni Pangilinan na magsagawa ang Senate committee ng isang hiwalay na pagdinig at magsampa ng mga kaso laban sa mga social media network dahil binabalewala ang ating Senado.

“Without a case filed against them, they will keep on giving us contemptible behavior,” idiniin ni Cayetano.

About Tracy Cabrera

Check Also

Honey Lacuna PBBM Bongbong Marcos Manila mackerel

Mula kina PBMM at Mayor Lacuna
Kompiskado, ismagel na mackerel ipinagkaloob sa mga residente ng BASECO at Tondo sa Maynila

PINANGUNAHAN nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna – …

Bulacan Police PNP

Anti-crime raid ikinasa sa Bulacan; 15 pugante, 4 tulak timbog

NASAKOTE ang may kabuuang 19 mga indibidwal, kung saan 15 ang mga wanted person at …

ASIN Center Salt Innovation for a Better Future

ASIN Center: Salt Innovation for a Better Future

DOST Undersecretary for Regional Operations, Engr. Sancho A. Mabborang together with DOST 1 Regional Director, …

121324 Hataw Frontpage

Zamboanga jamborette ipinatigil
3 BOY SCOUTS NAKORYENTE SA TENT PATAY
10 sugatan naospital

HATAW News Team TATLONG miyembro ng Boy Scouts of the Philippines (BSP) ang namatay sa …

121324 Hataw Frontpage

Disqualified si Marcy Teodoro — Comelec

IDINEKLARANG diskalipikado at hindi na maaaring tumakbo bilang kinatawan ng Unang Distrito ng Marikina si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *