Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Online concert suporta kay De Lima

Bilang suporta sa ikaapat na taong ‘di makatarungang pagkakakulong kay Leila de Lima, muling magsasama-sama ang mahuhusay at kilalang musikero, artista, aktibista,  lider, at relihiyoso sa loob at labas ng bansa, para sa isa na namang gabi ng “online community jamming” o ang Leilaya! Mga Tinig at Himig ng Paglaya sa Pebrero 24,  Miyerkoles, 7:30 p.m. via livestream sa official Facebook page ng Senadora at Free Leila de Lima Movement (FLM) FB page.

Kabilang sa mga magtatanghal sina Ebe Dancel, Bugoy Drilon, Gary Granada, Bituin Escalante, Bayang Barrios, Cookie Chua, Jim Paredes, Agot Isidro, True Faith, mga singer mula Amerika at mga banda mula sa ibang bansa.

Makikibahagi rin dito sina Vice President Leni Robredo, Senator Frank Drilon, Senators Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, Atty. Chel DioknoJoel LamanganMae PanerPinky Amador, Bishop Broderick Pabillo, at marami pang personalidad.

Si De Lima ay kinikilalang kampeon ng karapatang pantao at pinakamatinding kritiko ng administrasyong  Duterte. Noong Pebrero 24, 2017, ipinakulong si De Lima dahil sa mga kasong tinatawag niyang bogus at batay lamang sa mga gawa-gawang paratang.

Kamakailan, naabsuwelto ang Senadora at ibinasura ng Korte ang isa sa tatlong kaso laban sa kanya.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …