Wednesday , May 14 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bakuna kailan kaya darating? (PH gov’t ‘paasa’ sa publiko)

KAPAG pinag-uusapan ang bakuna, parang bigla nating naririnig ang kanta ni Rey Valera — malayo pa ang umaga.

Ang daming kahanga-hangang katangian ng mga Filipino. Marami sa ating mga kababayan ay pamoso sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Pero sa pananalasa ng pandemic dulot ng CoVid-19, nakalulungkot sabihin na kabilang ang Filipinas sa mga kulelat sa pagtugon sa pandemya.

Habang ang maraming bansa sa iba’t ibang panig ng mundo ay magtatapos na yata sa pagbabakuna, ang Filipinas, kulelat pa rin sa swab testing.

Walang public swab testing na naganap sa bansa. Marami rin naman ang ayaw magpa-swab, kasi kapag nag-positive sila, hindi sila makaramdam ng assurance na magiging maayos ang kanilang pagka-quarantine sa mga isolation center.

Kaya mas maraming Filipino, lalo na ‘yung mga kapos na kapos na, ang gumagawa ng sariling paraan kapag nakakaramdam ng mga sintomas ng CoVid-19.

Sabi rin ng ibang mapanuri, maliit na porsiyento ang kinitil ng CoVid-19 kompara sa Spanish flu o sa iba pang nagdaang pandemya sa buong mundo.

Pero, mas malaki ang inutang ng pamahalaan — daan-daang bilyon pero hindi nakapag­sagawa ng mass testing.

At ngayong bakuna na ang pinag-uusapan sa buong mundo, nasa testing pa rin ang Filipinas.

At ang bakuna, hindi natin alam kung may darating pa talaga.

Kumbaga, tinakaw lang ang mga Filipino sa iba’t ibang klase ng bakuna, pero hang­gang ngayon, wala tayong nababalitaan na dumating na ang bakuna. 

Kung kantang “Malayo Pa Ang Umaga” ni Rey Valera ang pam-bungad natin , sa ending ng kolum na ito… eto ang magiging theme song natin kahihintay sa bakuna, pasintabi sa Eraserheads…

(O) Diyos ko, ano ba naman ito

Di ba ‘tang-ina, nagmukha tayong tanga

Pinaasa lang tayo

Letseng bakuna ‘to

Diyos ko, ano ba naman ito, woh?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Kultura ng vote-buying

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NGAYONG tapos na ang eleksiyon, pag-usapan naman natin ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Jeepney i-modernize nang makatao at may puso

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI matatawaran ang halaga ng jeepney sa ating kasaysayan. Simbolo ito …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Benhur Abalos: Lumalakas sa survey, may malinaw na plataporma

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA PINAKAHULING Social Weather Stations survey, si dating Department of the …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mapayapa at maaayos na NLE25, puntirya ni QCPD OIC Col. Silvio

SA LUNES NA, Mayo 12, 2025, daragsa sa mga polling precinct amg milyon-milyong botante upang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Endoso ni VP Sara kina Imee at Camille, wa epek

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI rin umepekto ang pag-endoso ni Vice President Sara Duterte kina …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *