Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gardo beki sa past life

DAHIL gay na naman ang role ng Tiktok Emperor na si Gardo Versoza sa hatid ng Saranggola Media na mag-i-stream na sa iWantTFC at KTX.PH sa March 5, 202, ang Ayuda Babes, nasabi nitong malamang nga na in his past life eh, isa siyang beki.

Siya ang Kapitana sa isang barangay na dahil nga sa pandemya, nagkahirapan ang mga buhay ng kanyang nasasakupan na may kanya-kanyang hugot sa mga buhay nila.

Nagawang pagsama-samahin ni Direk Joven Tan ang mga komedyanteng sina Ate Gay, Negi, Petite Brokovich, Juliana Porizkova Segovia, Brenda Mage, Bernie Batin, Iyah Mina with Christie Fider and Dan Delgado.

Natutuwa na rin si Gardo na mapasama at magawa ito nang hindi naman nila kinailangang ma-lock in sa isang bubble.

Kasama ni Gardo sa pocket presscon ng pelikula ang supling nila ni Ivy Vicencio na lovingly niyang tinatawag na “Little Machete”. At nang tanungin nga ito kung gustong mag-artista balang-araw eh, sumagot agad ng tango!

Naikuwento rin ni Gardo na ang kumander niyang si Ivy pala ang may idea na mag-Tiktok siya. Wala naman siyang kita rito pero dahil nga sa naging popular, nagiging way ito gaya ng mga gustong magpatulong sa kanya na mag-endoso na magamit din ito.

“Gusto ko lang mapasaya ang misis ko. Kaya noong sabi niya na subukan namin, ginawa ko naman. Tapos, inilabas na niya ‘yung mga pang-exercise na outfit. At siya rin ang nakaisip na mas maganda kung naka-high heels ako. Size 12. Siya bumibili. Eh, awa ng Diyos sa taas ng mga ginagamit ko, hindi pa naman ako natatapilok. Nagre-rehearse kami, for about an hour lang. 

“Kaya ang daming natuwa noong ma-invite ko ang KathNiel na samahan ako. Wala naman pa kaming ginagawa sa set that time kaya I asked them kung pwede silang maki-Tiktol. Napaka-bait naman niyong mag-jowa. Ayun, ang daming nagka-gusto.”

May nasabi rin si Gardo sa mga kaganapan ngayon sa ating kapaligiran.

“Para kasing niloloko na ang mga tao. Magsasabi nga ganito, para gawin tapos babawiin. Ano ba talaga? Kaya ako mas naniniwala to really have a healthy lifestyle. Pasintabi sa mga naninigarilyo. Hindi ba bakit nandyan pa rin? Kaya pagdating sa vaccine, depende pa rin ‘yan sa mga mangyayari. Ako kasi mayroon akong Bike Club. At hangga’t maaari eh, healthy eating din. 

“One thing nga lang na nagawa nitong pandemya eh, ‘yung magkaroon ng more time with your love ones. Kaya eto, kasama ko si Little Machete. Na kompleto sa kanyang face mask and shield.”

Ibang beki na naman ang makikilala kay Gardo sa Ayuda Babes. Isang role na second skin na sa kanya ngayon.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …