Friday , November 15 2024

Bicol-Manila vans ‘taga’ sa pasahe

KAPALIT ng ‘di pagpayag na makabiyahe ang provincial buses, patuloy na kumikita ang 18-passenger van mula sa Bicol at sa madaling-araw ang dating sa Araneta, Cubao.

Kuwento ng isang pasahero, dahil gusto niyang makaluwas ng Maynila dahil siya ay overseas Filipino worlers (OFW) na nagbabalak muling mag-abroad, napilitan siyang magbayad ng halagang P3,500 makarating lang sa Maynila.

Sa pag-aakalang kahit mahal ang pasahe naiiwasan ang pagdikit-dikit ng mga pasahero pero laking gulat niya na puno ng pasahero ang eighteen-seater na van. Nadagdagan  pa ito ng tatlo katao na sa kabuuan ay 21 pasahero na, bukod pa sa driver.

Sabi ng source natin, mayroong bantay o lookout kada bayan na daraanan upang ipaalam na may mga checkpoints, kaya ang sistema ay umiiba ng daan ang driver ng van hanggang makarating sa Metro Manila hanggang Araneta, Cubao.

Sangkatutak na van ang bumabiyahe mula Bicol paluwas ng Maynila na umiiwas sa checkpoints.

Kung susumahin sa 20 pasahero ay aabot sa mahigit P7o,000 ang kita ng van at inaawas dito ang sahod ng mga lookout o bantay sa mga bawat bayan na daraanan.

Bulag o nagbubulag-bulagan lang ang mga awtoridad na nagsasagawa ng checkpoints sa kabikulan? Dapat kumilos ang IATF dahil mga bobo ang mga itinalaga sa checkpoints!

Buti pang ibalik ang provincial buses at limitahan ang bilang at oras.

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *