Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Visa extension collections bumagsak

BATAY sa inilabas datos ng Bureau of Immigration (BI), sumadsad hanggang 45% ang bilang ng tourist visa extension applications sa kanilang opisina simula nang pumutok ang pandemya sa buong kapuluan noong nakaraang taon.

(BTW, bumaba rin kaya ang ‘koleksiyon’ ng tourist visa section?)

Ang naturang pahayag ay nagmula mismo kay BI Commissioner Jaime Morente. Sa kanyang ulat, sinabi niyang umabot lamang sa 240,276 ang naiprosesong application of extension ng ahensiya kompara sa 434,251 na nagawa ng kanilang opisina noong 2019.

Sinabi rin ng bossing ng kagawaran na ‘expected’ na nila ang ganoong pangyayari sa gitna ng ipinatutupad na travel restrictions ng pamahalaan sa mga turista na nagnanais na makapasok sa Filipinas simula pa noong Marso nang nakaraang taon!

Pahayag ni Morente, ”International travel restrictions remain in place even as we anticipate a gradual lifting of these restrictions this year as the vaccines against CoVid-19 begin to arrive,”

“We hope that the tourism industry will finally rebound at least by the second or third quarter of 2021 and the Philippines will once again open its doors to foreign visitors,” dagdag ni Commissioner.

Dahil sa ipinatutupad na travel restrictions para sa mga banyaga, damay na rin sa pagbagsak ang koleksiyon ng visa extension fees simula 2020 hanggang sa kasalukuyan.

Sa katunayan, umabot lamang sa P1.3 bilyon ang nakolektang visa extension fees ng BI, mas mababa ito ng 40% o P2.2 bilyon na kinita nito noong 2019.

Para sa kaalaman ng lahat, ang bayad sa visa extensions ang isa sa pinagkukuhaan ng malaking pondo ng ahensiya at ang pagtaas ng koleksiyon o kita ang nakapagpapatibay sa reputasyon ng ating bansa bilang isa sa major tourist destinations sa Timog Silangang Asya.

Malaking tulong din ito sa ekonomiya ng ating bansa kung patuloy na tataas ang bilang ng turismo sa pagtatapos ng pandemya.

Sa totoo lang, ang Department of Tourism (DOT) ang isa sa mga ahensiya na sobrang apektado sa pagdating ng hindi inaaasahang pandemic.

Bagama’t malaki ang nagawa nitong epekto ay inaasahan pa rin na makababawi ang Filipinas ngayong 2021.

Tumatanggap ang lahat ng sangay ng Bureau of Immigration (BI) ng application for extension of stay, pagtatapos ni Commissioner Bong Morente.

 

AUGMENTATION
NG IOs SA BI-NAIA,
TAMA BA!?

GINULANTANG ng magkakasunod na Personnel Orders at Travel Orders ang grupo ng Immigration Officers sa iba’t ibang paliparan sa Region 6.

Mging ang paliparan sa Puerto Prinsesa na sakop ng Region 4-B ay hindi rin nakaligtas.

Layon daw ng ipinadalang POs at TOs ay magkasa ng “staff augmentation” na pangungunahan ng mga napiling IO para sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Naturalmente, halos lahat ay nagulat. Para sa kanila ay “very untimely and unjust” ang naturang augmentation.

“Untimely” dahil alam naman ng lahat na may mga ipinatutupad na travel restrictions ang bawat lugar sa Filipinas at mahirap para sa mga panahong ito ang maglipat-bahay ora mismo.

“Unjust” dahil bakit kinakailangan pang magpasaklolo sa ibang airports considering na iilan lang naman ngayon ang international flights na pumapasok at umaalis sa ating bansa?

Ayon sa ilan nating nakausap sa BI-NAIA, nakapagtataka talaga na iilan lang ang nakikitang naka-duty sa immigration counters lalo sa arrival area.

Kung titingnan naman daw ay marami silang nakikitang Immigration Officers na naka-uniporme ng itim kada araw ngunit bakit kapag may dumarating na international flights ay unti-unting silang nawawala sa area?

Huh?!

Uso na raw ba ang ‘larong taguan pung’ sa BI-NAIA?!

‘Pag walang flights, todo rampa pero pag may dumating na, parang mga dagang nagtatago kung saan-saan?

Susmaryosep!

Ano bang iniiwasan ng mga IO? Tamaan ng CoVid-19 o sadyang naglipana lang sa ngayon ang ‘lang-magu’ sa trabaho?

Sa totoo lang sobra-sobra ang bilang ng mga IO sa BI-NAIA pero tila hindi kayang kontrolin ng mga opisyal ng Port Operations Division (POD) ang nakaririmarim na attitudes ng karamihan sa kanilang mga IO.

Kaya naman kinakailangan pang magpa-augment galing sa malalayong lugar para lang pagtakpan ang pagiging pasaway ng mga IO sa NAIA!

Pagtakpan ba dapat?

Bakit hindi bigyan ng leksiyon para matauhan!?

Marami raw sa mga naka-duty ang magtatatak nang ilang minuto at pagkatapos ay tatayo na raw kesehodang talakan pa sila ng Duty Immigration Supervisor?

Well, sabagay hindi naman nakapagtataka na ganyan ang umiiral na work attitude ng mga IO riyan lalo’t bagsak ang kanilang delihensiya.

Kaya nga hindi ‘swak’ sa kanila ang taguan pung noong kasagsagan ng ‘pastillas.’

Actually, noong bet na bet pa ng mga IO ang favorite dessert nilang pastillas ay laging 100% ang manpower sa airport.

Kahit kailangan na raw silang palitan sa counters ay ayaw pang magsitayo ng mga kilalang tulisan.

Kung puwede nga raw hindi na sila umuwi ay gagawin nila kahit tambakan pa sila ng mga paparating na tsekwa at papaalis na turistang Pinay patungong Malaysia, Hong Kong, Dubai at Lebanon.

Sabagay sino nga naman ang gaganahan sa kanila lalo at kulang ang kanilang supplies na ‘Vitamin D’ at ‘Vitamin K.’

‘D’ for datung and ‘K’ for kitakits!”

Sonabagan!

And since wala nga naman daw supply na energizer na ‘vitamins D and K’ kaya maghabol na lang  daw kayo sa tambol mayor kung mapag-duty ninyo nang maayos ang mga IO na ‘yan ngayon!

By the way, speaking of ‘taguan pung’ minsan nangyayari rin daw ito sa ‘malls’ malapit diyan sa NAIA.

Kahit itanong n’yo pa kay IO Yvette De Tigre na bet na bet daw ang game na ‘yan!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *