Wednesday , December 25 2024

Pacman sa kanyang 26 years sa boxing I had to punch my way to victory every time…

MY secret is speed—in my punches and pain recovery. “ Ito ang tinuran ni Manny Pacquiao nang matanong kung paano niya nakuha ang 62 wins, 39 Kos, 12 major world titles sa 26 taon niya bilang boksingero.

“I had to punch my way to victory every time. Before that, I had to train. More days than that, bugbog ako…” pagbabahagi pa ng Pacman. ”Most of all, it’s my family and friends, my fans, my coach and team, and my partner Ibuprofen + Paracetamol (Alaxan FR), kasama ko sa laban since 1995,” giit pa niya.

Ang Alaxan FR ay isang pain reliever na gawa ng Unilab, Inc. (Unilab). Ito ay kombinasyon ng Ibuprofen at Paracetamol na panlaban sa sakit ng katawan– bagay na alam na alam ni Pacquiao at patuloy niyang nilalabanan.

Sobrang relatable rin ang katagang #LabanLang na kasama sa post ni Pacquiao. Bukod sa ito ang tagline ng nasabing gamot, ito rin ang kanyang mantra sa kanyang mga pinagdaanan.  Si Pacman ay animo isang mandirigma na marami nang naaning tagumpay sa hamon ng buhay.

Malayo na nga ang narating ni Manny. Mula sa binatilyong nangarap na maging magaling na boksingero, natupad niya ito at higit pa!

Hindi naman lingid sa marami ang kuwento ng buhay ni Pacquiao. Ilang beses na rin itong naging paksa sa kanyang mga interview na ikinukuwento niya ang hirap ng kanilang buhay habang lumalaki at nagkakaisip siya sa General Santos City.

Unang nagpakita ng interes sa boxing si Pacquiao dahil sa premyong P50.00. Na ang kilo ng bigas noon ay nasa P6.00. Naging motivation niya ito dahil nais niyang makatulong sa kanilang pamilya.

Isang tiyuhin ang nagpaliwanag sa batang Pacquiao kung ano ang boxing. ”Wala talaga akong alam sa boxing. ‘Yung uncle ko ang nagsabi sa akin na boxing ‘yun na may world champion, may Philippine champion…

“Pinapanood namin ‘yung laban ni Mike Tyson noong araw. Sabi sa akin, ‘Ano kaya maging ganyan ka, may belt ka rin, makilala ka. Mag-champion ka sa buong mundo.’”

Bagay na nagkatotoo na nga! Kahit Hollywood stars at sikat na athletes napabilib niya. Ang kanyang tagumpay ay nagbigay ng hindi matatawarang karangalan sa bansa. “PacMan” pa lang alam na ng marami na siya ang pinag-uusapan.

Sa totoo lang, hindi biro ang haba ng taon na itinakbo ng karera ni Pacquiao. Mas lalong hindi biro ang hirap ng training at sakit ng katawan niya sa tuwing tutungtong siya sa loob ng boxing ring.

Nakatutuwang isipin na hindi nakakalimutan ni Pacquiao ang mga tumulong sa kanya sa simula pa lang ng kanyang karera.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *