Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claudine to Marjorie — Hindi siya nalalayo sa special child

ANYTIME SHE wants, she can be naughty and  bitchy! In a cute, in a cool way!

‘Yun ang naibahagi ng kinilalang Optimum Star na si Claudine Barretto sa announcement para sa gagawin nilang pelikula ni direk Joel Lamangan na co-produced ng Borracho Productions at Viva Films.

Kahit na lagare sa sunod-sunod na pelikula naman si Direk Joel, na mula sa set ng kanyang Silab sa Pampanga, matapos ang grand presscon ng kanyang Anak ng Macho Dancer, hindi niya pinakawalan ang pagkakataon para makita ang aktres na sa telebisyon pa lang niya nakatrabaho (ilang episodes ng Claudine sa GMA-7).

Contracts signed and sealed, ang sabi nga ni Clau, kompleto na ang pagiging aktres niya ngayong makakatrabaho na niya si direk Joel sa iskrip na isusulat ni Eric Ramos. Na tungkol sa kuwento ng magkapatid. Na may nag-OFW. At nag-alaga sa pamangking autistic.

May side remarks si Clau about the special child na hindi raw nalalayo sa kapatid niyang si Marjorie!

“You know me naman paminsan-minsan, nagiging naughty lang. Hindi ko pinaglalaruan ang autism or a special child. Naalala ko lang.”

Nakapagbitaw din ng pahayag si Clau tungkol din sa nasabi niya noong unang may kinalaman kay Jodi Santamaria na napapabalitang kasintahan ng ama ng kanyang mga anak na si Raymart (Santiago).

Nakapag-usap naman daw sila nito. At kay Raymart pa niya nahingi ang number ng aktres.

As far as the nadagdagan ng mga kaso niya sa aktor, hindi lang daw maintindihan ni Clau kung bakit pagdating sa mga hinihiling niya para sa mga bata eh, parang balewala lang kay Raymart.

Sa usapan with Jodi, may hiniling lang naman ako sa kanila ni Raymart at maayos naman ang pa-uuusap namin. Um-oo naman sila. Para sa kids. Pero hindi naman sila tumupad.”

Kaya ang mga kaso raw ay magpapatuloy pa rin.

Marami pang isiniwalat sa press si Claudine na hindi na nga pwedeng ilabas pa dahil nasa Korte na ito. Kumbaga, sa mga kaso pa nila dati ni Raymart na may kinalaman sa pera ay tuloy-tuloy pa rin.

Excited lang si Claudine sa pagbabalik niya sa pag-arte. At ang isa sa makakasama niya sa mahahalagang eksena na magkakaron siya ng intimate scenes eh, walang iba kundi ang international star na si Gerald Santos.

Oo, may naalala si Clau sa kanya. Na medyo may hawig nga raw sa binata. ang namayapang Rico Yan.

Alam naman ni Claudine na kahit pa hindi pa sa big screen matutunghayan ang kanilang proyekto eh, sigurado pa rin siya sa pulutong ng mga tagahanga niyang kailanman eh hindi bumitiw sa pagsubaybay at suporta sa kanya.

Nagkaroon din ng contract signing para sa endorsement niya with Cathy Valencia ang aktres for her skin care.

Belo siya ‘di ba?

Kahit naman na kay Belo ako noon, pumupunta pa rin ako kay Cathy. May consent naman ‘yun at ipinapaalam ko naman.”

Glowing ang Clau. Mga anak pa rin niya ang prioridad niya. Kaya wala munang boyfie-boyfie.

Dalaga na si Sabina. May boyfriend na nga.”

Happy si Gretchen sa bago niyang mga pinagkakaabalahan.

I don’t think mahihikayat ko siyang mag-artista uli. Focused na siya with her businesses. Sa Okada. Sa online gaming. Sabi niya she doesn’t have time na para sa showbiz. Tutok na siya in her businesses.”

Ang pagkakaayos nila ni Marjorie eh malayo pa ring mangyari kaya hinahayaan na lang muna niya.

Kung magkasama sila sa trabaho, kahit pa ng pamangking si Julia, eh depende na sa isang magandang script na hindi matatanggihan!

Nasa pangangalaga siya ngayon ni Arnold L. Vegafria na dating manager ni Marjorie.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …