MAGLULUNSAD ng noise barrage nationwide ang mga motorista dahil ginagawa silang gatasan ng Department of Transportation (DOTr) at ng Land Transportation Office (LTO) sa pamamagitan ng itinatag na monopolyadong Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVIC) na naging epektibo noong 29 Disyembre 2020.
Sa press concerence kahapon, sinabi ni Dr. Larry Pitpit, pangulo ng Clean Air Movement Philippines Inc., (CAMPI), pahirap sa motorista ang mga naunang itinatag na PMVIC na sinimulan sa Angeles City, Pampanga at Cabanatuan City sa Nueva Ecija, at ngayon ay mayroon na rin sa Metro Manila.
Aniya, ipinatupad ang PMVIC nang walang ginawang amyenda sa Republic Act 8749 o Philippine Air Act at ang mas pinakamatindi hindi ito idinaaan sa public consultation kaya malinaw na maituturing na korupsiyon.
“The DOTr through the LTO has pushed through with the PMVIC signed its effectivity on December 29, 2020 amid the CoVid-19 pandemic. More or less 12,000 individuals in the private emission testing centers are gradually losing their jobs,” giit ni Pitpit.
Kasabay nito, nakatanggap ng mga reklamo ang CAMPI mula sa mga motorista na hindi nakapagparehistro gaya ng isang well-maintained 2014 BMW Z4 sports car dahil sa weak brakes matapos makapagbayad ng P1,800 bilang PMVIC fee sa Pampanga.
“The owner and known Pampanga business leader, Rene Romero took his car to the BMW dealership in San Fernando City to check on the brake system. After thorough inspection, the BMW mechanics did not find anything wrong with it,” paliwanag ng Clean Air Act Advocate.
Sinabi ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) president Arsenio “Boy” Evangelista, pinag-aaralan na nila ang paghahain ng temporary restraining order (TRO) sa ipinatutupad na PMVIC.
“So we are calling all concerned agencies as well as the head of agencies to please have transparency,” apela ng VACC president. (ALMAR DANGUILAN)