Sunday , December 22 2024
fire sunog bombero

PWD na senior citizen nalitson sa sunog sa QC

NALITSON nang buhay ang isang senior citizen na sinasabing may kapansanan nang masunog ang kanilang tahanan sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City, nitong Miyerkoles ng umaga.

Ang biktima ay kinilalang si Grace Juat, 63 anyos, at residente sa Aqua St., Fernville Subd., Brgy. Pasong Tamo.

Batay sa ulat ni Bureau of Fire Protection (BFP) Station 6 commander Fire Captain Aloysius Borromeo, pasado 6:00 am, 20 Enero, nang magsimulang sumiklab ang sunog sa isang palapag na bahay ng biktima.

Hindi umano nagawang makalabas ng kanyang tahanan ang biktima dahil sa kapansanan kaya’t nakulong sa apoy.

Ayon kay Borromeo, walang koryente sa bahay nang maganap ang sunog at tanging kandila ang gamit na ilaw sa tahanan.

Gayonman, inaalam pa ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog na naideklarang fireout dakong 7:33 am at umabot sa unang alarma.

Ayon sa BFP, walang iba pang tahanan ang nadamay sa sunog.  (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *