Sunday , December 22 2024
gun dead

Ginang binaril sa mata

PATAY ang isang ginang nang malapitang barilin sa mata habang naglalaro ng game sa cellphone sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Pag-asa, Quezon City, nitong Lunes ng madaling araw.

Sa ulat kay P/Brig. Gen. Danilo Mancerin, Quezon City Police District (QCPD) Director, ang biktima ay kinilalang si Yolanda Cariaga, alyas Dian, 47 anyos, walang asawa, residente sa T. Sora St., San Roque-2, Barangay Pag-asa, Quezon City.

Sa report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), dakong 1:40 am, 18 Enero, nang maganap ang pamamaril sa loob mismo ng tahanan ng biktima.

Sa imbestigasyon ni P/SMSgt. Marvin Masangkay, naglalaro ng game sa cellphone ang biktima nang pasukin ng hindi kilalang lalaki ang bahay at pina­putukan  ng baril sa kanang mata.

Sinabi ng dalawang kasama ng biktima, dahil sa lakas ng putok ng baril ay nagising sila at doon ay nakita nila ang isang lalaki na nagmamadaling lumabas ng kanilang bahay, habang duguang nakabulagta si Cariaga.

Masusing nagsasa­gawa ng imbestigasyon ang pulisya sa motibo ng pamamaslang. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *