NAKATAKDANG muling buksan ngayong Huwebes, 14 Enero, ang 14 stalls sa Apalit public market, sa lalawigan ng Pampanga, na pansamantalang ipinasara sa loob ng 10 araw simula noong 5 Enero.
Ayon kay Glenn Danting, municipal secretary, inilagay sa 10 araw partial lockdown ang pamilihang bayan sanhi ng pagkakaroon ng CoVid-19 ng tatlo kataong nagtitinda sa mga nasabing puwesto.
Nilimitahan rin ang pamimili hanggang 11:00 am araw-araw upang bigyan ng daan ang disimpektasyon at agad na nagsagawa ng contact tracing.
Pinaaalahanan ni P/Lt. Col. Emelito Dela Cruz, hepe ng Apalit Municipal Police Station, ang mga mamamayan na palaging magsuot ng facemask at face shield kapag lumabas ng kanilang mga bahay.
(RAUL SUSCANO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com