Thursday , December 26 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Party-list system gusto na namang buwagin ng ilang political group

TUWING nalalapit ang eleksiyon nagiging mainit na usapin kung kailangan na nga bang buwagin ang party-list system.

Marami kasing grupo ang nagpapalutang ng mungkahing buwagin na lang ang party-list system dahil hindi naman nakikinabang dito ang mga sektor na supposedly ay kanilang kinakatawan.

Base sa Republic Act No. 7941 o ang tinatawag na Party-List System Act na naisabatas noong 3 Marso 1995, sinasabi nitong: “the state shall promote proportional representation in the election of representatives to the House of Representatives through a party-list system.”

Dahil hindi umano makatarungang naire­representa ng district congressmen ang ‘marginal sectors’ sa ating lipunan kaya isinabatas ang party-list system.

Naglalayon umano ang batas na ito na magkaroon ng kinatawan o boses ang ‘marginal sector’ o  mga hindi pribilehiyadong saray sa lipunang Filipino.

Kung tutuusin ang mga congressional representatives ay sapat na para katawanin ang kanilang mga distrito na multi-sectors ang katangian. Pero kitang-kita naman na hindi nila nagagampanan ang kanilang tungkulin na patas para sa lahat ng sektor sa kanilang distrito.

Marami sa ating mga mambabatas na ang mga inaakdang batas ay ‘yung umiiral na, hinahanapan na lang nila ng ‘butas’ kung ang batas ay hindi makiling sa kanilang ‘interes’ at doon nila ‘raratsadahin.’

At dahil dito, sa unang arangkada ay maraming people’s organizations/non-government organizations (POs/NGOs) ang unang nakalahok sa party-list system dahil pasok sila sa rekesitos ganoon din ang kanilang track records.

Nota bene lang po: track record ng organisasyon ang kailagan sa requirements, hindi track record ng kanilang nominees.

Noong una’y maraming pumuri sa party-list system, pero paglaon ay ‘inabuso’ rin ito ng mga politikong hindi kayang bitiwan ang kanilang mga puwesto.

At sa katotohanan, naging ektensiyon din ito ng political dynasty lalo na kapag nakopo na ng buong pamilya ang mga batayang puwesto sa local government hanggang posisyon sa lehislatura.

Agad nilang naging remedyo ang pagbubuo ng ‘sariling’ party-list para ilahok sa eleksiyon. Kaya ang resulta nagkaroon pa ng ekstensiyona ang political dynasties sa buong Filipinas.

May estilo pa ngang, kilalang personahe ang lumulutang sa kampanyahan pero kapag nanalo ang party-list, ibang nominee pala ang uupo.

Kaya kapag nag-umpisa na ang kongreso, nagugulat na lang tayo sa mga personaheng biglang naging mambabatas.

Wattafak!

Ultimo pangalan ng boksingero at ng liga ng basketball nagawan ng party-list — at nagulat na lang ang publiko dahil isang multi-milyonaryo ang kinatawan nito sa kongreso.

Bakit ayaw umalis ng angkang-angkang politiko sa puwesto?

Simple lang ang rason, kailangan nila ng proteksiyon at impluwensiya kung nasaan ang kanilang interes sa kabuhayan.

Kaya huwag na tayong magtataka kung may mga mambabatas na yumayaman at nadadadagdan taon-taon ang yaman.

Ang malungkot dito, noong magkaroon ng pandemyang coronavirus (CoVid-19), nauna pa silang nagdeklarang nagpositibo at nag-self-quarantine.

Naiwan sa ‘ere’ ang kanilang constituents lalo ‘yung mga sektor na nasa batayang sektor gaya ng mga manggagawa, mangingisda, security guards, magbabalot, kabataan, at higit sa lahat — ang senior citizens.

Kay muli tanungin natin: kailangan bang manatili o dapat nang buwagin ang party-list system sa kongreso?

Kayo na po ang sumagot, bayan.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *