Thursday , December 26 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

So long, officer and gentleman, MMDA Chair Danny Lim (Good men go first)

ANOTHER good friend gone too soon.

Sino ang mag-aakalang ang isang health conscious na gaya ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chair Danilo Lim ay igugupo ng malupit na coronavirus 2019 (CoVid-19)?

Nakilala natin si B/Gen. Danilo Lim sa pamamagitan ng isang common friend.

Nakapiit pa sila noon sa Camp Crame Custodial Detention Cell kasama si dating Senador Sonny Trillanes dahil sa kudetang kanilang kinasasangkutan.

Nakailang punta rin tayo noon hanggang palayain sila kasama si Sen. Trillanes at iba pang miyembro ng Magdalo Group sa kasong rebelyon nang pagkalooban ng amnesty noong 2010.

Kasunod nito’y naitalaga bilang Deputy Commissioner for Intelligence of the Bureau of Customs noong September 15, 2011 pero nag-resign noong July 23, 2013.

At ngayon nga sa administrasyong Duterte ay chairman ng MMDA.

Sa maraming naging posisyon sa pamahalaan, wala tayong nabalitaan na nabahiran ng korupsiyon ang pangalan ni B/Gen. Danny Lim.

Gaya rin ni dating Manila Mayor Alfredo Lim.

Sabi nga, sulit ang sambayanang Filipino sa dalawang Lim na ito.

Ayon sa isang malapit na kaibigan tungkol kay MMDA chair Danny Lim: “I knew him to be healthy, he was not diabetic, did not smoke, not hypertensive, and did not drink as much as I do, and had the right disposition in life.

“In fact, he avoided drinking even while he was detained in Camp Capinpin, Tanay. And he was a runner. He exercised almost everyday.

“Last Dec 23, he met with some of his Mason bros. On Dec 24, he had fever. He had noche buena with family last Dec 25 as the fever had receded. But on Dec 26, fever was up again but he ignored it so that on Dec 28 he went to office at MMDA and had a swab test later.

“He was brought to St. Luke’s the following day because ‘mainit na buong  katawan niya.

“Swab test result came day after, it was positive. He had pneumoia due to CoVid but he was cured  of it. But CoVid affected his liver so he had to undergo dialysis.

“But he made it. He was on the way to recovery, so the doctors thought. Early this morning, he suffered from a heart attack, a fatal one. 

“His liver was the trigger. Why this narrative?

“Just to say that even if you are healthy it is no guaranty that you will triumph over this CoViDevil. Kaya ingat ingat super ingat.”

Sabi nga, good men go first. At ang masamang damo ay nagtatagal… tsk tsk tsk…

Kaya doble ingat po laban sa CoVid-19. Kung ang maiingat at malulusog na tao ay tinatamaan, paano na ang mahihina ang resistensiya.  

So long, our friend, Sir Danny Lim.        

Thank you for your service to our country.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *