Saturday , December 21 2024

Police brutality imbestigahan — PNP PRO3 (Sa viral video ng anti-narcotic ops)

PINAIIMBESTIGAHAN ni PRO3 Director P/BGen. Valeriano De Leon ang sinasabing police brutality na naging viral sa social media hinggil sa naganap na anti-narcotics operation sa New Cabalan, sa lungsod ng Olongapo, noong Linggo, 3 Enero.

Inilagay sa floating status ang station commander ng Police Station 4 ng Olongapo City Police Office habang isinailalim sa pagsisiyasat ang naturang kaso dahil sa command responsibility bilang hepe.

Matatandaang dinakip ang suspek na kinilalang si Nesty Gongora, 28 anyos, construction worker, kabilang sa drug watch­list ng OCPO, residente sa Purok, Alexander St., ng nabanggit na lugar, nang mahuli sa aktong nagbe­benta ng ilegal na drogang shabu sa buy bust operation ng mga operatiba ng Police Station 4 Drug Enforce­ment Unit (SDEU).

Nauwi sa rambol ang operasyon nang kuyugin sila ng mga kamag-anak ng suspek na naroroon sa pinangyarihan ng insidente.

Kaugnay nito, sinam­pahan ng kasong obstruction of justice at direct assault ang lima kataong humarang at nanipa sa mga operatiba.

Kinilala ang lima na sina Rusty Cuevas, Vanessa Gongora, Nestor Gongora, Jerome Delos Reyes, at isang John Doe na pawang nakalalaya pa.

Samantala, sasam­pahan ng kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Act of 2002 ang suspek na si Gongora.

Pinatunayan rin ng kapitan ng Brgy. New Cabalan sa pamamagitan ng isang sertipikasyon na nagpositibo si Gongora sa ilegal na droga at isang surrenderee sa kanilang barangay noong 2016, at nakulong sa Bataan police station sa kasong may kaugnayan sa ipinag­babawal na droga.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *