Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ben X Jim, PH BL Series of the Year sa 11th TV Series Craze

MASAYA si Teejay Marquez sa pagkakapanalo ng kanilang BL series na Ben X Jim ng Regal Entertainment bilang PH BL Series of the Year. Kasabay nilang pinarangalan ang dalawa pang trending PH BL Series, ang Game Boys ng Ideal First at Gaya sa Pelikula ng Globe Studios sa nasabing kategorya sa katatapos na 11th TV Series Craze Awards 2020.

Ayon kay Teejay, ”Sobrang  nakatataba po ng puso na ‘yung 1st season ng BL Series namin na ‘Ben X Jim’ ay napasama sa PH BL Series of the Year along with ‘Gaya sa Pelikula’ at ‘Game Boys.’

“Kaya maraming-maraming salamat sa 11th TV Series Craze Awards 2020 dahil sa dinami-dami ng BL Series sa Pilipinas ay napasama kami.

“And salamat din sa mahusay naming director na si Direk Easy Ferrer, kay Ma’am Roselle at Mother Lily Monteverde ng Regal Entertainment at sa buong casts ng ‘Ben X Jim’ mula sa partner ko, Jerome Ponce, Ron Angeles, Kat Galang, Sarah Edwards atbp.

“Kaya dapat nilang abangan ang season 2 ng ‘Ben X Jim’, ang ‘BXJ Forever’ dahil kung nagustuhan nila ‘yung season 1, tiyak magugustuhan nila ‘yung season 2.”

“Aabangan din nila rito ‘yung mga bagong characters  na papasok sa buhay namin ni Jim (Jerome) at kung ano ba ang magiging role nila sa aming dalawa, ‘di ko muna sasabihin kung sino-sino sila basta abangan na lang nila,” masayang tsika pa ni Teejay.

Excited na nga si Teejay sa pag-ere ng kanilang BXJ Forever.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …