Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isa sa bida ng Anak ng Macho Dancer, hawig ni Elmo

APRUBADO sa guwapo at mabait na baguhang si Charles Nathan kapag may mga taong nagsasabing kahawig niya ang anak ng yumaong si Francis Magalona, si Elmo.

Hindi na nga bago kay Charles na laging may nagsasabi sa kanya na kahawig niya ang actor kaya naman nang pasukin niya ang showbiz ay alam niyang ito rin ang mapapansin sa kanya.

Ayon kay Charles, ”Para sa akin, it’s a compliment po.

“Hindi na naman po bago sa akin na may nagsasabing kahawig ko si Elmo, kaya expected ko na ngayong nasa showbiz na ako ay ‘yun din ang mapapansin sa akin.

“Hopefully makatrabahaho ko rin siya, puwede kaming magkapatid sa pelikula.”

Masuwerte si Charles dahil siya ang kauna-unahang contract artist ng The Godfather Productions na pag-aari ni Joed Serrano kaya paniguradong maraming proyekto ang naka-line-up sa kanya.

Kung sabagay deserving namang mabigyan ng importansiya at magagandang proyekto si Charles ng kanyang home studio dahil bukod sa maganda ang PR, pang leadingman ang dating.

Sa ngayon ay busy si Charles sa promotion ng controversial movie na Anak ng Macho Dancer na maganda ang role na kanyang ginagampanan.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …