Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Kulelat na naman tayo sa bakuna kontra Covid-19

HETO na naman ang Health officials, mukhang nagungulelat na naman sa pagdedesisyon kung paano bibili ng bakluna kontra CoVid-19.

Iba-iba na namang isyu ang lumulutang kaugnay ng pagbili ng bakuna.

Habang naturukan na raw ang mga kagawad Presidential Security Group (PSG) at ang halos 100,000 Chinese nationals na mga empleyado ng POGO ng mga ‘smuggled’ na bakuna mula sa China, ang gobyernong Filipino, hindi pa makapagdesisyon kung ano ang bibilhing bakuna.

Pfizer ba? Sinopharm ba? E ano ba?!

Ano bang bakuna ang gustong aprobahan ng Department og Health (DOH) at ng Food and Drug Administration (FDA), bakit hanggang ngayon ay wala pa silang desisyon?

Nakasalang pa ba sa “Jack En Poy” si Health Secretary Francisco Duque III at FDA Director General Eric Domingo kung ano ang aaprobahan nila?!

Aba e gusto n’yo pa yatang magkabaku-bako sa galit ang mukha ni Pangulong Rodrigo Duterte bago kayo magdesisyon?!

Baka naman matulad pa ‘yan sa RT-PCR test at swab test?!

Mantakin n’yo naman sa kupad ang mga opisyal na ‘yan, hanggang ngayon, ang pinag-uusapan pa lang dito e kung paano gagawin ang swab test, samantala sa ibang bansa ay nagbabakuna na.

Sobrang kupal este kupad n’yo naman!

Hindi naman sa inyo nagagalit ang mga tao kundi aa Pangulo.

Kailan ba kayo tatablan ng kahihiyan Mr. Duque?!

Wattafak!

ISOLATION FACILITY
SA MACAPAGAL BLVD.,
SA PASAY CITY
PARANG BARTOLINA

Diyan po sa Macapagal Blvd., malapit sa MOA ay mayroong isolation o quarantine facility para sa mga CoVid-19 patients.

Mayroong dinadala diyan na asymptomatic habang ang iba naman ay severe.

Pero kapag nakita ninyo ang isolation facility mapagkakamalan ninyong bartolina sa sobrang init.

Gawa kasi sa container van ang mga kuwarto at saradong-sarado. Hindi natin maintindihan kung bakit hindi inayos ang ventilation lalo na nga’t minimal ang paggamit ng airconditioning unit.

Marami tuloy ang natatakot na mag-stay sa nasabing isolation facility na ang ibig sabihin sayang ang ginastos ng pamahalaan.

Hindi pa naman siguro huli ang lahat para ayusin ang ventilation ng facility na ‘yan.

Again, Health Secretary Duque, umaksiyon ka naman at please ayusin n’yo naman ang trabaho ninyo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …