Sunday , August 24 2025

Durante stay put in the barracks, stay away from congress — Duterte (Walang paki, PSG matodas man sa ilegal na bakuna)

WALANG pakialam si Pangulong Rodrigo Duterte kung mamatay ang mga kagawad ng Presidential Security Group (PSG) na naturu­kan ng ‘smuggled’ at ‘unauthorized’ Sinopharm CoVid-19 vaccine.

Ibinulalas ito ni Pangulong Duterte kasunod ng babala laban sa ikinakasang imbesti­gasyon ng Kongreso sa isyu ng ilegal na bakunang itinurok sa mga kagawad ng PSG na para sa kanya ay ‘self-preservation’ ng mga sundalo.

Hindi inilinaw ng Pangulo kung constitutional crisis o batas militar ang marara­nasan ng bansa kapag itinuloy ng Kongreso na imbestigahan ang PSG.

“Masyado kayong maa-ano e. ‘Pag ginawa ninyo ‘yan, there will be a little crisis. Nasa inyo. Ako, I am prepared. I am preferred — preferred — prepared to defend my soldier. I will not allow them for all of their good intentions to be brutalized in a hearing tapos kung ano-ano,” sabi niya sa public address kama­kalawa ng gabi.

“So pinoprotektahan nila ako. Hindi naman ako papayag nagpoprotektar sila sa akin na ipakulong ninyo. Pakialam na… Hayaan mo silang mama­tay kung mayroong masama na epekto ‘yung… I don’t know what kind of vaccine but I don’t care, bahala sila, buhay nila ‘yon,” aniya.

“Ganoon ang Congress ‘e, ‘pag may mangyari riyan, “A imbestigahin natin ‘yan.”  Tapos may mangyari rito, “Ah let’s investigate this.” Ganoon na lang palagi. Tutal sila lang naman. Wala naman kayong alam ‘yung iba. Let them be and let them suffer kung mayroong adverse effect ‘yung vaccine,” dagdag niya.

Giit ni Duterte, hindi siya makapapayag na gisahin ng Kongreso ang PSG at inutusan niya si PSG Commander Jesus Durante na huwag magpunta sa imbitasyon ng Kongreso.

“I think now I will tell Durante — he is here — Durante, do not obey the summons. I am ordering you to stay put in the barracks. Medyo klaro naman siguro ‘yan?” aniya.

Bunsod ng utos ni Duterte na itikom ni Durante ang kanyang mga bibig sa isyu, hindi na itinuloy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang planong imbestigasyon sa PSG pero ang National Bureau of Investigation (NBI) ay itutuloy ang pagsisiyasat.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Marilao Bulacan Police PNP

P2.3-M ‘hot meat’ nasamsam, 7 timbog sa Marilao, Bulacan

NASAKOTE ang pitong indibidwal matapos maaktuhan ng mga awtoridad na naglilipat ng kahon-kahong ‘hot meat’ …

Nueva Ecija PPO, PNP PRO3, Prison

Senglot naghuramentado, arestado

MABILIS na napigilan ng pulisya ang isang marahas at posibleng pagdanak ng dugo nang maghuramentado …

Philippine Drug Enforcement Agency PDEA

Drug bust sa Bulacan: 3 big time tulak nalambat

ARESTADO ang tatlong bigtime drug peddlers na pinaniniwalaang sangkot sa bulk distribution ng shabu na …

Pag-IBIG

Pag-IBIG Fund Investment Income Jumps 52% in First Half of 2025

Pag-IBIG Fund earned ₱4.27 billion from its investments in the first half of 2025, up …

Congress Hotshots UP University of the Philippines

Hotshots ng 20th Congress, nakipagsanib-puwersa sa UP para sa resilience at innovation

TINAGURIANG “Congress Hotshots” — sina Kinatawan Brian Poe (FPJ Panday Bayanihan Partylist), Javi Benitez (Negros …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *