Thursday , December 26 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Anytime Fitness gym sa Ayala Mall, Marikina in bad faith sa members?

ILANG health and fitness buff ang nais magpaalala sa kanilang mga kaibigan at sa publiko na maging maingat sa paggamit ng kanilang credit card lalo ngayong panahon ng pandemya dahil pakiramdam nila biktima sila ng iregularidad.

Lalo na po kung ang inyong credit card ay naka-hook sa isang membership club na nag-o-offer ng kung ano-anong serbisyo na may kaugnayan sa kalusugan o pagpapalakas ng katawan.

Tinatawagan na rin po natin ng pansin ang Anytime Fitness gym sa Ayala Mall, Marikina dahil diyan nila ito na-experience.

Ang concern lang naman nila, huwag na sanang maulit at sana’y hindi ito nangyayari sa ibang members.

Heto po ikukuwento na natin. Inuulit lang po ng inyong lingkod, magkukuwento po tayo base sa ‘sumbong’ ng apektadong miyembro. Bukas po ang kolum na ito kung nais magpaliwanag ng Anytime Fitness gym.

Ang nagreklamo ay miyembro ng AF gym, hanggang nitong bulagain tayong lahat ng coronavirus noong February 2020 at hanggang ngayon ay patuloy tayong nakikipaglaban sa pandemya sa pamamagitan ng pagtupad sa mahigpit na health protocols.

Aniya, “I haven’t tried going back to that gym since then and after my membership expired last April 2020.”

Bukod sa dalawang rason na binanggit ng nagreklamong member, alam naman ng publiko na suspendido ang operasyon ng mga gym dahil sa restriksiyon na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa panahon ng pandemya.

Pero, ang masaklap, nitong nakaraang araw, nabisto ni member na ang gym ay nagsasagawa ng auto-deduction sa credit card ng kanilang members.

Mabuti na lang umano at na-maxxed out na nila ang card limit noong holiday season. Pero nang tawagin nila ang pansin ng AF gym, sinabihan silang magpunta roon para umano malinawan ang isyu.

Medyo nainis na nga ang member kaya sinabihan niyang bakit kailangan niyang i-expose ang sarili niya sa gym para linawin ang isyu, ‘e sila dapat ang nagpapaliwanag.

“I told this guy that why should I go there and expose myself in the gym just to clear up the matter. They don’t even have any attendance to prove that I was going to the gym lately or even stepped inside the gym these past months. 

“They have this swipe-in thing everytime you enter the gym supposedly as an automated record of your attendance. Now they have the nerve to charge me for not using their gym. This is not the first time this has happened.

“Last year they charged us twice in two occasions for the membership fee and it took them 3 plus months to return/refund the money they debited from our credit card.

“If this goes on I will have to resort to legal action so the Anytime Fitness management will put a stop to their wrong doings.

“To all active / inactive members of Anytime Fitness let this incident/s serve as a reminder to be cautious in giving out your credit card to Anytime Fitness.”

Malinaw po ang pahayag ng miyembro. Nakalulungkot na nangyayari ito sa sistema ng isang supposedly ay ‘prestigious health and fitness gym.’

Ang ikinasasama pa ng loob ng miyembro, sa tono ng kanilang pakikipag-usap, e parang ‘yung miyembro pa ang dapat magpaliwanag.

Wattafak!

Kung ganito ang attitude ng management ng fitness gym, aba ‘e malinaw na ‘in bad faith’ sila sa pakikipag-deal sa members.

Nalilimutan yata ng fitness gym na kaya umiikot ang kanilang operations ‘e dahil sa members. Kung walang magme-member sa kanila mas malamang na magsara agad sila.

E kung tutuusuin, simple lang naman ang solusyon, ibalik nila sa member ‘yung ibinawas nila sa credit card. Dapat kung gaano nila kabilis naibawas ‘yun, ganoon din dapat kabilis nilang ibalik.

Huwag nang gawing komplikado ang mga pagkakamaling puwede namang ituwid agad.

Paging Anytime Fitness gym sa Ayala Mall, Marikina!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

 

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *