Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Second Wave’ ng HIV sanhi ng Covid-19

KUNG pagmamasdan si Rina ay maayos siya at walang karamdaman. May asawa siya at isang 2-anyos na supling at mahilig siyang bumiyahe at mamasyal bukod sa pagiging abala sa kanyang negosyo sa kanilang barangay sa Paco, Maynila.

Ngunit sa likod ng kanyang kaaya-ayang panlabas, may dalang trauma ng pang-aabuso si Rina. Noong 15 anyos pa lang siya, isang 30-anyos na kapitbahay ang gumahasa sa kanya.

Sinundo siya sa esku­welahan at tinakot siya hanggang dalhin siya sa isang motel. Doon pinag­bantaan si Rina ng lalaki na papatayin siya at ang kanyang pamilya kapag nagsumbong kaninu­man.

Napagalaman lamang ng kanyang mga magulang ang mapait na karanasan ng dalagita nang mapansing malungkutin siya at walang kibo at mayroon din mga pasa sa kanyang katawan at magkabilang braso.

Ilang taon na ang nakalipas nang mangyari ang insidente ngunit makikita pa rin kay Rina ang pait ng kanyang karanasan. At ngayon ay nagpositibo pa siya sa HIV at nagpapatuloy ang kanyang mga bangungot.

Nitong nakaraang buwan, nagbabala ang Joint United Nations Programme on HIV/AIDS na ang Filipinas ay nahaharap sa second wave ng HIV epidemic habang hinaharap ang CoVid-19, ang access sa mga taong may sakit sa pagsusuri at paglunas sa AIDS.

“In the Philippines, we are seeing a second wave of epidemic, particularly targeting young men who have sex with men and transgender,” inihayag ni UNAIDS Regional Director for Asia and the Pacific Eamonn Murphy.

Sinisira ng HIV — o ang human immunodeficiency virus — ang cells ng ating katawan na lumalaban sa mga sakit at impkesiyon. Kapag hindi nabigyan ng lunas, maaari itong humantong sa acquired immune deficiency syndrome o AIDS, na maaaring ikamatay ng pasyente.

Binigyang-pansin ni Murphy na parami nang parami sa mga kabataang Pinoy ang nagiging sexually active sa murang edad; nagbunsod ito ng ‘bagong henerasyon’ na may bantang magkaroon ng HIV. Idinagdag ng opisyal na ito ay laganap sa mga kabataang edad 15 anyos hanggang 24 anyos sa Asya at Pasipiko.

“CoVid-19 is threatening to blow us completely off course. It’s going to potentially push back all the successes that have been achieved. It’s going to create barriers to those already in treatment,” pagtatapos ni Murphy.

(TRACY CABRERA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …