Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Zanjoe, aminadong nanibago sa bagong set up ng MMFF

At dahil unang beses na ito (muna) ang new normal dahil sa COVID-19 pandemic, tinanong namin si Zanjoe Marudo kung ano ang saloobin niya sa sitwasyon ng mga pelikula, tulad ngayong MMFF, sa panahon ng pandemya.

May advantage o disadvantage ba na online muna ang panonood ng pelikulang Filipino?

“Nakagawa na ako before ng pelikula sa ‘MMFF,’ nakaka-miss siyempre ‘yung alam mo na, kapag malapit na, may parade tapos may awards night, tapos lahat ng tao nasa mall para manood ng entries, siyempre nakakalungkot din na nagbago na, pero ganoon talaga ang buhay, kakaiba ang sitwasyon.

“Pero masaya pa rin naman ako na at least, kahit paano, kahit online maipalalabas lahat ng mga pelikula na hindi maitatago ng matagal, at least gumawa ang MMFF ng paraan para mapanood ng lahat, para hindi maluma ‘yung mga ginawang pelikula.

“Thankful pa rin ako, siguro naman papunta na roon lahat, lahat tayo, sa movies, sa TV, parang pa-digital na naman lahat.

“Kaya praktis na rin ito para makita natin kung okay ba ito sa mga tao.”

Isa pang maituturing na advantage ay sabay-sabay mapapanood ng mga nasa ibang bansa sa buong mundo ang mga MMFF entries.

Sa direksiyon ni Joel Lamangan, kasama rin sa Isa Pang Bahaghari sina Albie Casino at Joseph Marco. 

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …