Thursday , December 26 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Nightclubs sa Pasay business as usual

“KUNG ang hanap mo ay ‘ligaya’ sa buhay, sa lungsod ng Pasay doon manirahan!

Ito raw ang paboritong kantahin ngayon ng mga nahihilig pumunta sa mga ‘batis ng kaligayahan’ diyan sa Pasay.

E kasi ba naman, muling nagbubukas ang maraming bahay-aliwan diyan sa lungsod ni Mayor Emi Calixto-Rubiano sa kabila ng umiiral pang pandemya at nasa General Community Quarantine (GCQ) pa ang Metro Manila?

Bukod tanging sa Pasay City lamang malalakas ang loob ng ilang mga taga-city hall na magbigay ng ‘go signal’ sa night establishment owners na mag-resume ng operations.

Sa Hobbies of Asia Complex pa lamang sa kahabaan ng Diosdado Macapagal Boulevard ay mayroong karaoke bars at nightclubs ang back to usual business na.

Gaya nito ang isang nasa tabi halos ng Senate of the Philippines building.

Ang dating business name nito ay TITAN Z, pinalitan nitong buwan ng Oktubre ng KING & QUEEN makaraang maibulgar na nagsasagawa ng tinatawag na “bubble operation.”

Stay-in ang mga kababaihang empleyado ng club bilang receptionists, GROs at dancers. Stay in as in hinahatiran na lamang ng pagkain at iba pang essential needs ng operator ng club.

Dahil sa ating expose’ noon na nakarating pa sa tanggapan ni Senator Bato dela Rosa, ininspeksiyon ng Pasay City Police partikular ng PCP 1 ang naturang club at napatunayang may mahigit 18 kababaihan ang naroroon at naka-stay in.

Palusot ng owner ng nasabing establisimiyento, stranded ang mga kababaihan dahil sa CoVid-19 pandemic at kanila lamang tinutulungan!

The hell of an alibi mother fucker!

“Tell that to the marines!”

Pero sa laki ng gulat natin, binili ng Pasay PNP ang alibi na ito at imbes hulihin, kinunan ng retrato ang mga kababaihang naaktohang nasa loob ng nasabing club.

Hindi kinasuhan at hindi rin sinita ang kuwestiyonableng pagsisiksikan ng mga babe sa loob ng establisimiyento na tiyak na salungat sa mga nakatadhanang safety at health protocols ng IATF.

To cut the story short, walang nangyari sa nasabing insidente at kahit isa ay walang pinagpaliwanag sa presinto.

Now comes the reopening of the said establishment with permission kuno sa isang mataas na opisyal ng Pasay City Hall. Bukas na po nang may ilang araw  ‘as in back to normal business activity’ ang club cum putahan sa bisinidad ng Senate of the Philippines building.

Unang tanong, sinong kupal na opisyal ng Pasay ang nagbigay ng ‘green light” sa reopening ng nightclub na walang business names.

Second question, bakit tila urong ang bayag ng mga tauhan ni Pasay City Police chief, Colonel Dilag na salakayin at hulihin ang operasyon ng club?

Third question, legal bang masasabi ang “back to business activity” ng club na ito dahil may basbas nga ng kupal na city hall official?

Ano ang ginagawa ng NCRPO ni General Vicente Danao at ng Southern Police District (SPD) na kapwa may hurisdiksyon sa Pasay City?

Nganga na lamang ba at pakoya-koyakoy na lang ang peg!

As in may hinihintay na na biyayang maggagaling sa LANGIT?

Hindi lamang diyan sa Hobbies of Asia sa Macapagal Boulevard may ganyang “bubble’ operation sa Pasay City.

Isang underground sauna bath din cum kangkangan ang nasa kahabaan naman ng Gil Puyat Avenue malapit lamang sa isang carwash na kahilera ng Padi’s Point.

Kung yaong legitimate establishment na straight at disente ang negosyo ay pinagbabawalan pang mag-resume operations, bakit ang mga ganitong putahan ay puwede?

Kasi malaki ang LAGAY ganoon ba Mayora Emi-Calixto-Rubiano maam?

Buti sana kung pawang mga taga-labas ng Pasay o non-resident ng lungsod ang mahahawahan ng sakit ay OK lang!

Hindi lamang CoVid-19 ang puwedeng magpasalin-salin sa opisyong ito kundi iba pang nakahahawang sakit gaya ng tulo, AIDS, STD at kung ano-ano pa.

Mula umano sa nagsarang Lapu-Lapu Sauna Bath ang karamihan sa mga babaeng ‘yan na naririyan 24/7 sa loob ng isang casa ng isang kabit ng pulis-Pasay.

Mama Sang or “prostitute seller” sa Webters dictionary ang kahulugan nito.

Again , hindi rin po ba ito amoy ni Colonel Dilag?

Ilan pa bang night entertainment businesses sa Pasay City ang may BUBBLE operations?

“‘Yung bawal na bawal pa pero back to business na uli dahil sa “goodwill money or payola?

More on this sa ating muling pagtalakay!

ABANGAN!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *