KUNG dumating man ang isang pandemya sa buhay ng aktor at ngayon ay Congressman na sa ikalimang distrito ng Quezon City na si Alfred Vargas, at sa buong mundo, magagandang bagay pa rin ang tinitingnan nito sa nasabing pangyayari.
“The first time in a very long time na nagkaroon ako ng bonding moments with my wife Yasmine and our three kids (Alexandra, 10; Ariana, 9 and Cristiano, who wilk turn 2 next week). Alam mo naman noon, ang work lagare talaga. But this time, lahat sa bahay na ginagawa. Work from home na. I attend the Sessions once in a while, otherwise via Zoom na lahat. Thankful sa pagkakataon.
“Kaya, ganoon din sa trabaho ko sa Distrito. Araw-araw naman kaming walang pahinga sa pagbibigay ng ayuda sa mga tao. ‘Yung napanalunan ko sa ‘Bawal Judgmental’, noong mag-guest ako sa ‘Eat! Bulaga,’ ipinambili ko ng additional laptops para sa mga nangailangang estudyante. Araw-araw, hinahatiran sila ng pagkain from the soup kitchen at kung ano-ano pang maaari naming maitulong sa kanila. Nagpapasalamat ako kasi, hindi napapatid ang pagtulong ng mga kaibigan natin sa industriya para sa mahahatiran ng mga tulong. Gaya mg mga leading ladies ko sa ‘Tagpuan’ na sina Shaina (Magdayao) and Iza (Calzado).
“At siyempre, ‘yung sa panahon ng pandemya, maipalalabas ang ‘Tagpuan’ at entry pa sa #MMFF2020 (upstream.ph). Last year, and even this summer, inasahan namin na mapapanood na siya ng mga tao. Pero, mukhang iba ang plano ng Diyos para rito. At masaya pa rin kami. Sa sinasabi na new normal, maganda na rin ang platform na buong mundo ang magkakaroon ng access to get to watch this and the other entries.”
Nagsasalita na ang mga kritiko na nakapanood na sa pelikula na isinulat ni Ricky Lee, idinirehe ni MacArthur Alejandre at kinunan sa kasagsagan ng riots sa HongKong at sa lamig ng New York, sa Amerika. Maganda. May kurot sa puso. Marami ang nakaka-salamin sa mga sarili nila sa istorya ng tatlong bida.
“Kaya nga bukod sa dasal ko, Ate Pilar na tuluyan ng mawala ang CoVid19, gaya ng panalangin ng lahat sa atin, isa pang idinadasal ko rin ay maging safe ang mga bakunang ibabahagi sa atin. Ako, willing to have it. Basta lahat maging maayos. At sabi ko rin, kung pwedeng-pwede na siya at safe para sa lahat, ‘yun ang ireregalo ko sa members of the press, sa inyong lahat. As my way of giving back. Sino ba ang ayaw na maging malusog tayong lahat. At walang sakit. Marami na rin akong kaibigang nawala. Hindi lang dahil sa CoVid19. Mga Tita-Tita na natin sa showbiz. ‘Yun ang isa kong goal.”
Hindi lang pagiging Merry ng Pasko ang nais na tingnan o ibati ni Alfred sa kanyang kapwa.
“Mas maganda ‘ata na ang pagbati is to wish everyone a Meaningful Christmas. To be safe. Spend more time with the family. Pray for everyone’s welfare. More than the merriment, ‘yung makapiling mo sila eh, malaking bagay na. Pagsasama-sama. Sa Pasko, rito lang kami sa bahay. Salo-salo. Watch movies together. Ganito na ang buhay natin. Muna. Lahat ng bagay, may ibinibigay na magandang mensahe sa atin. May kabuluhan.
“If there is one thing na gustong-gusto naming gawin, siyempre ang makauwi sa bayan ng aking better-half sa Italy, para madalaw din ng mga bata ang grandparents nila. Medyo matagal na noong last kami nakadalaw doon. Sa Zoom na lang muna nagkikita-kita. But definitely, we will go back. Baka ‘pag renew ng wedding vows na rin!”
Isa pang magandang setting ng magiging tagpuan sa mainit na pagmamahalan nila ni Yasmine.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo