LUMAGDA sa kasunduan ang Department of Agriculture (DA) at Kanawan Magbukon Aeta Community sa bayan ng Morong, sa lalawigan ng Bataan nitong 5 Disyembre na may layuning paunlarin ang bahagi ng kanilang ancestral land upang pasiglahin ang agrikultura.
Nilagdaan ang kasunduan nina Agriculture Secretary William Dar; at Chieftain Belinda Restum, at Vice Chieftain Joseph Salonga, kapwa kinatawan ng Kanawan Magbukun Aeta Community.
Sinaksihan ito nina Eduardo Gongona, BFAR Executive Director; Sonia Salguero, BSWM Executive Director; Norberto Mendoza, President ng Magbukon Agro Eco Ventures Inc.; at mga miyembro ng mga Magbukon.
Sa ilalim ng kasunduan ay susuportahan ng DA ang mga katutubo ng kinakailangang teknikal na kaalaman sa pag-aagrikultura at aasistehan ng Magbukon Agro Eco Ventures sa kanilang operasyon upang maiangat ang kabuhayan ng mga tribong Magbukon lalo ngayong panahon ng pandemya. (RAUL SUSCANO)