KUNG ipa-i-spell mo kay Jin Macapagal kung ano ang kahulugan ng salitang “depression”, masasabi at mailalarawan niya ito.
“Kasi po, I had my bouts with it. Dahil dumaan na ako sa dark side na ‘yun ng buhay ko.
“There was a point kasi na nang i-uproot ko ang sarili ko from Cebu, dahil gusto ko sumubok ng kapalaran ko sa Maynila, sari-saring hamon po ang kinaharap ko.”
At habang nilalakbay naman niya ang landas na ‘yun, sinabayan din siya ng gabay ng Panginoon sa maraming bagay.
Jehovah’s Witness ang kinalakhang pananampalataya ni Jin sa kanilang pamilya.
“Pero, hindi po ‘yun ang idedetalye ko. Dahil sa sarili ko, nagkaroon ako ng sarili kong pakikipag-relasyon sa Panginoon. Wala akong kinukuwestiyon kasi kanya-kanya naman tayo ng paraan ng pagpapalakas ng pananampalataya natin sa Kanya.”
Kilala na si Jin sa kahusayan niya sa pagsasayaw kaya nga sa It’s Showtime sila umalagwa ng kanyang mga kasama. At doon na rin napansin ang kakayahan niya sa pagganap.
Pinagkatiwalaan siya ni Direk Joven Tan na maging artista sa Padre Damaso bilang Crisostomo Ibarra. At sa bagong proyekto ngayon ng Saranggola Media na Father Suarez, The Healing Priest na si Direk Joven ang muling pinagkatiwalaan ng producer na si Edith Fider, kinuhang muli ni Direk Joven si Jin.
“Ako po ‘yung gaganap sa katauhan ng batang Father Suarez na si Sir John Arcilla ang gumaganap.”
Aminado si Jin na dumaan siya sa mga panahong maski sa mismong passion niya na kumanta at mag-compose ay hindi siya naging confident.
“Ngayon na lang lumalakas ang loob ko. Not just to be better sa ginagawa ko but moreso, in myself. To become a better person.”
At 25, sabi nga ni Jin ay marami pa siyang nais na marating. Sa pagsasayaw man o sa pag-arte.
“I will admit, I was very scared in the beginning na this role was offered to me. There is truth in every story. Maganda ang istorya ng biopic ni Father Suarez. Natutuhan ko sa buhay niya, nagsimula rin siyang confused sa takbo ng buhay niya. But he was a good son to his family.
“Sa akin naman, sa dinaanan ko, I was in the darkness. And coming from a dark place, napakahirap ng struggle. Buti na lang pinanghawakan ko pa rin na ito ang dream of mine since I was a kid. To be part of this business. At si God pa rin ang gumagawa ng paraan for me to pull it through. ‘Yun na nga po ang sinasabi ko. Even if I am not Catholic, I have my own faith. It’s not even about Religion. But my relationship with Him.”
At para kay Jin, ang mga nangyayari sa buhay niya ay maituturing na niyang mga munting himala para bumangon at humarap sa hamon ng mundo.
Maipagmamalaki rin ni Jin na isa siyang physical therapist.
“Hindi ko na po na-practice.”
Pero nang mga sandaling ‘yun, isang kasama ang sakit na sakit na sa braso niyang umaabot sa balikat.
Saglit niya itong ipinahilot-hilot kay Jin. Na nagbibigay ng advice kung paanong aalagaan ito ng kay tagal ng dinadala o iniinda ang nasabing pananakit. Umalwan ang pakiramdam nito.
Kuwento pa rin ni Jin, itong panahon ng pandemya, “May biyaya pa rin ang ibinibigay sa akin ng pagiging aktor ko. Na kahit nagka-lockdown, may pelikula kaming kahit matagal nang natapos, dito sa panahong ito makikita at mapapanood ng mga tao sa ibang paraan (digitalized film festival). Para sa Metro Manila Film Festival 2020. Kaya napapanahon pa rin na mapanood ito.”
Kaka-break lang pala nila ng non-showbiz girlfriend niya ng kung ilang taon.
“Sarili ko na muna ang aasikasuhin ko. To make myself a better person.To the core of my being. Belief which can bring miracles into one’s life.”
Na-spell naman na ng kapalaran ang pwede niyang puntahan. From Pinoy Boyband Superstar to Bidaman sa mga katauhang binibigyang-buhay na mas nagpapatatag na sa mga iniwanan ng madidilim na bahagi ng kahapon niya.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo