Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jomari, ipagpo-produce ng pelikula si Abby Viduya

PRODUCER (na uli!) si Konsi!

Sobrang pag-iingat ang ginagawa ng mag-partner na sina Jomari Yllana at Abby Viduya sa panahon ng pandemya.

Para na rin ito sa kapakanan ng mga constituent ni 1st District Parañaque Councilor na si Jomari.

“Every once a while naman, umiikot ako. Kasama ang staff. At kung may mga ayuda na dapat dalhin sa kanila, may naka-assign na kaming staff to handle it para agad na maiparating sa kanila.”

At sa pananatili nila sa bahay, marami rin naman silang iba pang mga bagay na naisip para rin magpatuloy sila sa pagiging creative nila.

Ayon kay Jomari, dahil nga mahilig sa alahas si Abby, at maraming nakilalang mga alahero sa Bulacan, naisip ng aktor na i-produce ito ng pelikula na iikot sa buhay sa mga nakilalang mga alahero sa nasabing bayan.

“Nasa planning stage pa lang lahat. Pero, kinakausap ko na ang susulat ng istorya, entitled ‘Ginto’. Nanganak na nang nanganak ang mga plano at mga gusto naming gawin. Isa-isa lang.

“’Yung matagal na nating plano. Haha! ‘Yung Yllana Racing Academy, masisimulan na. Gusto ko ring magturo sa pagkarera. And hopefully, makatuwang ko si Andre sa pagpapalaganap nito.

“’Yung iba pa, sikreto pa muna, hindi pa madali ikuwento. Kasi para sa Pasko siya at maghahatid ng sorpresa sa mga tao. Baka sa December 4-8, 2020 ito bumulaga.

“And masaya ako na sabihin na I will be part of a teleserye na uli. At sasalang ako sa ‘Happy Time’ this week.”

Dasal nga nina Jom at Abby na matapos at tuluyan ng mawala ang pandemya para kahit paano ay magpatuloy ang mga nabubuong plano nila sa buhay.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …