SI Father Suarez.
Noon sanang Summer Film Festival ipapasok ng producer na si Edith Fider ang biopic ng kanyang kaibigang healing priest na si Father Fernando Suarez.
Hindi natuloy ang festival. Pumanaw ang dakilang Healing Priest.
Nagbukas ang pintuan ng Metro Manila Film Festival para sa taong ito. At may nag-anyaya rin sa kanya na sumali. Kahit nagdadalawang-isip, susugalan na rin niya ito. Kahit nga under the new normal na ang gagawing digital filmfest.
At kabilang nga ang Suarez: The Healing Priest sa sampung lahok sa MMFF Online sa panahon ng Kapaskuhan.
Hatid ng Saranggola Media Productions, itinatampok sa nasabing pelikula ang award-winning actor na si John Arcilla bilang Father Suarez, kasama sina Dante Rivero, Jin Macapagal, Marlo Mortel, Rita Avila, Troy Montero, Alan Paule, Richard Quan, and Rosanna Roces, mula sa panulat at direksiyon ni Joven Tan.
Sino ba si Father Suarez?
Labing-anim na taon siya nang mapagkalooban ng “gift of healing”. Na itinago niya ng maraming taon. Pero naghubunga ng away, pakikipagtalo, at eskandall sa kanya sa Simbahang Katoliko nang maging pari na siya.
Tinatanong din ang sarili kung paano at bawiin sa kanya ang nasabing “gift”?
Isinilang siya sa barrio Butong sa Taal, Batangas. Tricycle driver ang ama at mananahi ang kanyang ina. Panganay siya sa apat na magkakapatid.
Sa edad na 12, ang trabaho niyang pinasok ay ang pagpapa-renta ng mga salbabida sa dalampasigan ng Butong.
Chemical Engineering ang tinapos niya sa Adamson University. Pumasok saglit sa Christ the King Seminary matapos mag-kolehiyo pero lumabas din natapos ang anim na buwan ng walang paalam.
Noong1986, sa edad na 18, naging mulat na siya sa kanyang panggagamot. May mga patotoo ng nagaganap gaya ng dasalan niya ang isang paralisadong 60 taong gulang na pulubi sa labas ng Simbahan ng Quiapo na nakalakad ang babae.
Noong 1995, nakilala niya ang French-Canadian na estudyanteng si Mark Morin. Ito ang nag-anyaya sa kanya sa Canada at sumagot ng kanyang pamasahe. Para sana iyon sa isang business partnership. Pero nagdesisyon na siya na pumasok sa pagpapari.
Taong 1997 nang sumali siya sa Companions of the Cross, na bagong simulang lupon ng mga pari at seminarista sa Ottawa, Canada.
Inordinahan siya noong 2002 sa edad na 35.
Sa Canada, nang siya ay seminarista nang magmulat ng mga mata ang isang Canadian na idineklara ng walang buhay sa loob ng walong oras. Ito ay matapos na dasalan siya ni Father Suarez.
Marami pang mga himala sa kanyang buhay ang makikita at muling isasalarawan sa nasabing pelikula.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo